For the past few weeks, napadalas ang rampa ko Baywalk to see the sunset tapos itutuloy ko na sa pagsisimba sa Malate Church. Ang dali lang naman kasi ng biyahe - sakay lang ng LRT 1, baba sa Pedro Gil, lagpasan ang Robinson's mall at AG New World hotel hanggang sa makita ang malawak na katubigan.
Ang bongga ng view, de vaahhh? |
Dumarami ang mga tambay dito na ginagawang tirahan ang lugar. Natutulog sila sa tila ba aluminum foil na latag. Minsan, naupo ako para magpahinga nang makita ko 'tong si ate na todong inihagis na lang basta ang pinagkainan sa Manila Bay. Que horror! Diyan na rin sila umeebs at umiihi. May trapal lang na itinatayo. JUICE KO 'DAY!
NACACALOCAH!!! Ang kiyawti, mga ateng! |
Hindi na rin na-maintain ang landscape ng mga halaman. Bukod sa tambay, inaagawan na rin sila ng pwesto ng mga damo. Seriously, ang dali na lang tabasin nito. Matatanong mo na lang sa sarili mo bakit hindi magawa?
Ang pinakamalala - ang daming basura. Amoy na amoy kapag umiihip ang hangin. One time, may grupo ng turistang singkit na nag-aabang yata ng sunset. Kitang-kita sa fes nila ang pagkadismaya dahil more more basura. Maiintidihan ko sana kung panay water lily lang ang lumulutang but No No No by Destiny's Child. Naalala ko tuloy 'yung clean-up drive na pinalabas sa TV Patrol. Eto oh...
Nakalulungkot dahil imbes na mag-improve, tila ba lumalala ang sitwasyon ng isa sa pinakasikat na lugar sa ating bansa. Talong-talo ang mga taong dumadayo dito para maglamyerda, magmuni-muni, mag-date at magpahinga. Stress ang aabutin nila. Sana'y magkaroon ng solidong proyekto na maaarong magbalik ng dating ganda nito.
Alam niyo na kung ano 'yang lumulutang na 'yan |
Too embarrassing. Walang mayor, walang police, walang maintenance worker?
ReplyDeleteTeh Anonymous 1, may pulis pero dalawa lang usually ang nakikita ko tapos nasa makeshift station or nakaupo lang sila sa motor. I rarely see them roaming. :(
ReplyDelete