Tuesday, May 1, 2018

Tumalon

Nagawi ang byuti sa may Balintawak last weekend dahil sa bagong bukas na Cloverleaf Ayala Mall. Very cozy at shala ang dating kahit katabi ng pinakasikat na palengke sa norte. May nakita kasi ako sa isang FB group na may nagtitinda daw dito ng CD sa muraytang halaga. Wiz naman ako nabigo at nakabili ng more than 10 years old na Toni Braxton at Monica albums - selyado, brand new at tag-100 peysosesoses lang. PAK!

After niyan eh nag-window shopping muna akiz. May kaliitan ang mall at hindi masyadong matao dahil na rin siguro hindi strategic ang place unlike TriNoMa na isang tumbling lang mula MRT. Kung ayaw niyo ng masikip, mainit at maputik, I recommend na ditez na mamili.

More rampage akiz nang masightsina at mahalina sa isang book shop, ang Biblio.

Tumalon ang puso ko nang makita ang mga second hand books sa muraytang halaga.

Mas mura sa Booksale lalo na sa mga sikat pang nobela.

May mga vintage books na printed pa in the 50's and 60's.

Ang gara ng interior - malamig sa mata at very refreshing. Hindi cluttered ang pagka-arrange ng libro at may arti-arti pa sa pader oh!

May iba din silang tinda like bags, cactus, coin bank, memo pads and other stationery items.

At ang pinaka-bongga, pwede kang umorder ng kape at mag-chill sa loob ng shop. I LOVE IT! Sure na mabe-bet-an ng mga bibliophiles like me. Just imagine sipping a cup of hot coffee and being surrounded by books. Heaven on Earth, 'ika nga nila.

Kung medyo malayo kayo sa Cloverleaf, don't worry dahil may branches din ito sa The 30th, UP Town at Feliz.

2 comments:

  1. Diosa! meron ka na bang nabilihan dito sa pinas ng album ni Kylie Minogue GOLDEN?

    ReplyDelete
  2. Teh Anonymous, waley binebenta ditey kaya sa Amazon na lang ako babayla. Antayin ko lang na mag-sale.

    ReplyDelete