Monday, August 27, 2018

HIV/AIDS 101

Ayon sa latest report ng Department of Health, 924 na bagong kaso ng HIV ang naitala nitong Abril. Mataas ito ng 47% kumpara sa kaparehong buwan noong 2017 at 93% dito ay mga kalalakihan. Lubusang nakababahala ang patuloy na pagtaas ng mga numero. KALOKA!

Member ako ng isang HIV awareness group sa Facebook at sa panahon ng Internet at Google, marami pa rin talaga ang hindi nakakakaalam sa basics ng HIV/AIDS. Marami kasing nagkalat na fake news at maling akala. Kaya naman mag-HIV/AIDS 101 tayo, mga ateng. Eto ay galing sa Abot-Kamay booklet na ibinigay sa akin ng Manila Social Hygiene Clinic noong ako'y magpa-test taong 2013. Let's start educating ourselves:

HIV. Ito ang virus na nagdadala ng AIDS dahil sinisira nito ang immune system ng tao.

AIDS. Kumbinasyon ito ng mga sintomas at sakit na lumalabas sa katawan bilang resulta ng pagkasira ng immune system, na siyang lumalaban sa mga impeksyon sa loob ng katawan natin.

Hindi magkatulad ang HIV at AIDS. Virus ang HIV samantalang isang kondisyon ang AIDS at ito ang pinakahuling stage ng pagkakaroon ng HIV. Upang higit itong maintindihan, nasa ibaba ang mga antas sa pagkakaroon ng HIV infection:

Stage 1: Primary Infection. Hindi tulad ng ibang STIs, walang kagyat na mararamdamang sintomas ang isang taong positibo sa HIV sa inisyal na impeksyon. Gayunpaman, may antibodies na nadedevelop ang katawan mula tatlo hanggang 12 linggo matapos mahawa. Umaabot din sa anim na buwan ang pagdevelop nito para sa ibang tao.

Sa loon ng dalawang linggo matapos ang exposure sa virus, maaaring lumabas ang mga sintomas ng trangkaso tulad ng mataas na lagnat, pananakit ng kasu-kasuan at kalamnan, at panghihina. Maaari din namang wala rin ang mga sintomas na ito kahit nagdedevelop na ng antibodies ang katawan sanhi ng pagkakaroon ng HIV.

Stage 2: Asymptomatic Illness. Tinatawag na window period ang pagitan ng panahong hindi pa nadi-detect sa dugo ang HIV/AIDS. Mahalaga ang window period dahil sa panahong ito inaakala ng maysakit na malusog siya. Posibleng lumabas na negatibo ang HIV test niya sa panahong ito. Ngunit matapos ang anim na buwan ay maaaring lumabas nang positibo ang dugo niya sa HIV dahil nadevelop na ang virus.

Higit na delikado ang window period para sa taong hindi pa nakapagpapa-test dahil wala sa hinagap niyang may HIV siya. Malaya siyang nakikipagtalik sa iba bagay na nakapagpapabilis sa paglaganap ng HIV/AIDS. Maaaring tumagal ng isang taon ang kalagayang ito. Gayundin, tumatagal sa asymptomatic stage ang isang may HIV/AIDS kapag umiinom siya ng mga antiretroviral.

Stage 3: Advanced Disease o Immunocompromised stage. Nasa advanced stage na ng impeksyon ang kalagayang ito. Malaki ang posibilidad na magkaroon na ang taong nasa AIDS stage ng secondary cancer, TB, mga sakit sa gastro-intestinal tract tulad ng paulit-ulit na pagtatae, galis sa balat at mga neurological infections. Maaaring ikamatay ng taong nasa yugtong ito ang mga kumplikasyon dahil sa mahinang immune system. 

Tatlong Paraan ng Pagsalin ng HIV

1. Unprotected at penetrative sex sa isang infected na tao.
     Vaginal sex
     Anal sex
     Oral sex

2. Nakukuha sa dugo sa pamamagitan ng:
     Pagsasalin mula sa impektadong tao tungo sa walang sakit
     Pakikigamit ng heringgilya ng may HIV/AIDS
     Aksidenteng pagtusok ng karayon; at
     Pagsasalin ng internal organ tulad ng kidney atbp.

3. Mula sa infected na ina tungo sa kanyang sanggol habang ipinagbubuntis ito, o sa pamamagitan ng pagpapasuso ng gatas ng ina.

Apat na katas ng katawan ng tao lamang ang may taglay na sapat na dami ng HIV para makahawa:
     1. Dugo
     2. Tamod (seminal fluid)
     3. Hima (vaginal o cervical fluid)
     4. Gatas ng ina

Hindi makukuha ang HIV sa ganitong paraan:
     Pakikipaghalikan
     Pag-ubo
     Pagyapos o pakikipagkamay
     Paglangoy sa pool
     Paggamit ng CR
     Kagat ng lamok o kahit anong insekto
     Paggamit ng kubyertos o baso
     Pagta-trabaho at pagtira kasama ang isang PLWHA (People Living with HIV/AIDS)

Paano maiiwasan ang HIV?
     Proper use of condom
     Don't do drugs and alcohol
     Be faithful
     Abstinence
     Proper education

May lunas na ba o bakuna laban sa HIV/AIDS? Wala pa. Subalit maaaring bigyan ng Anti-Retroviral Drugs (ARVs) ang mga taong may HIV/AIDS. Makakatulong ito upang palakasin ang kanilang immune system at pababain ang dami ng HIV sa kanilang katawan.

Sure ako na malalabanan natin ang pagdami ng mga bagong kaso kung palalaganapin natin ang tamang impormasyon ukol sa HIV/AIDS. Hindi madali pero kung sama-sama tayo, mapagtatagumpayan natin itez.

Thursday, August 23, 2018

Sawsawan

Alam niyo na siguro na on strike ang mga manggagawa ng NutriAsia na nauwi pa sa madugong dispersal kamakailan. Nais lamang nila na maregular sa trabaho. Kung hindi niyo pa knows ay basahin ang mga related articles sa baba ng post na itey.

Photo from the web. CTTO.
Bilang protesta ay trending ang #BoycottNutriAsia sa social media. Meaning, 'wag suportahan ang mga produkto like Datu Puti, UFC Catsup, Silver Swan, Mang Tomas, Locally, Golden Fiesta at marami pa. Ako'y nakikisawsaw dito. Bakit? Dahil hindi dapat pinayayaman pa ang mga ganid na kapitalista. Hindi rin natin kailangan maranasan ang pinagdadaanan ng mga trabahante para lubusang maintindihan ang pinanggagalingan ng protesta. Hassle ang pagiging contractual worker dahil ang ilang karapatan at benepisyo na nasa batas ay hindi makakamit - leave credits, 13th month pay, maternity leave atbp. Pwede ka rin mawalan ng trabaho nang biglaan na hindi ka kailangan bayaran ng separation o redundancy pay.


Kung nais makiisa dito, maging mapanuri sa mga produktong bibilhin. Check the label and ensure na hindi gawang NutriAsia. Maigi na ilista ang bibilhin at i-GMG kung sino ang manufacturer bago mag-grocery. May iba pa kasi silang produkto na hindi sikat at baka inyong tinatangkilik. After that, look for an alternative. Naka-Marca Pina at Mantica na kami sa kusina. Masarap na, mas mura pa. Recommended ko rin ang sweet chili sauce ng Mother's Best. Ay 'teh! Mas malasa kumpara sa Jufran. Panalong sawsawan ng fishballs at lumpia. SHEREP!

*Rappler: Why NutriAsia workers are on strike
*PhilStar: Violent dispersal of NutriAsia workers draws wide condemnation
*Inquirer: After NutriAsia violent dispersal, CHR appeals to cops for tolerance
*CNN: Striking workers at NutriAsia, supporters dispersed and arrested despite regularization order

Monday, August 20, 2018

Hulma

Kumustasa naman ang Agosto niyo, mga ateng? Binaha ba kayo at na-stranded sa daan o evacuation center? Sana ay okay na kayo. Lilipas din ang tag-ulan at ngingiti ang langit.

Mayo pa ang huli kong post. KALOKA! Nalunod akez sa halo-halong emosyon. Nalungkot, sumaya, nagtrabaho, umiwas sa tao, nagkulong sa kwarto, nanood, nagbasa, nakinig ng musika atbp. Naligaw talaga ang byuti ko. Tila ba ayaw bumalik. Araw-araw ko namang naiisip magsulat pero ayaw ng utak ko. Hopefully, dumami ang creative juices para more posts tayo.

Katatapos ko lang basahin ang Simon vs. The Homo Sapiens Agenda at todong nagustuhan ko. Noong una, akala ko ay 'di me makakarelate since struggle of a young boy coming out and falling in love (na never kong naranasan) pero nung nasa kalagitnaan na akiz, ayaw ko na tigilan basahin. I sooo love it! Relatable ang mga tauhan lalo na si Leah. Just like her, matampuhin din ako sa mga kaibigan ko lalo na kung feeling naisasantabi ako.

Medyo iba siya sa movie (nasa gitna pa lang ako, 'di ko pa tapos) so I cannot say muna kung ano mas maganda. Usually naman libro kasi we imagine the scenes and the characters. Tayo ang humuhulma kaya mas bongga. Anyways, if you want to read a good one, go and grab a copy.

Nako, sana makabalik ako kaagad to share thoughts and opinions on anything that interests us. Miss na miss ko na magsulat at magbahagi ng aking kuda.

See you sa next post, mga ateng!