Thursday, August 23, 2018

Sawsawan

Alam niyo na siguro na on strike ang mga manggagawa ng NutriAsia na nauwi pa sa madugong dispersal kamakailan. Nais lamang nila na maregular sa trabaho. Kung hindi niyo pa knows ay basahin ang mga related articles sa baba ng post na itey.

Photo from the web. CTTO.
Bilang protesta ay trending ang #BoycottNutriAsia sa social media. Meaning, 'wag suportahan ang mga produkto like Datu Puti, UFC Catsup, Silver Swan, Mang Tomas, Locally, Golden Fiesta at marami pa. Ako'y nakikisawsaw dito. Bakit? Dahil hindi dapat pinayayaman pa ang mga ganid na kapitalista. Hindi rin natin kailangan maranasan ang pinagdadaanan ng mga trabahante para lubusang maintindihan ang pinanggagalingan ng protesta. Hassle ang pagiging contractual worker dahil ang ilang karapatan at benepisyo na nasa batas ay hindi makakamit - leave credits, 13th month pay, maternity leave atbp. Pwede ka rin mawalan ng trabaho nang biglaan na hindi ka kailangan bayaran ng separation o redundancy pay.


Kung nais makiisa dito, maging mapanuri sa mga produktong bibilhin. Check the label and ensure na hindi gawang NutriAsia. Maigi na ilista ang bibilhin at i-GMG kung sino ang manufacturer bago mag-grocery. May iba pa kasi silang produkto na hindi sikat at baka inyong tinatangkilik. After that, look for an alternative. Naka-Marca Pina at Mantica na kami sa kusina. Masarap na, mas mura pa. Recommended ko rin ang sweet chili sauce ng Mother's Best. Ay 'teh! Mas malasa kumpara sa Jufran. Panalong sawsawan ng fishballs at lumpia. SHEREP!

*Rappler: Why NutriAsia workers are on strike
*PhilStar: Violent dispersal of NutriAsia workers draws wide condemnation
*Inquirer: After NutriAsia violent dispersal, CHR appeals to cops for tolerance
*CNN: Striking workers at NutriAsia, supporters dispersed and arrested despite regularization order

1 comment:

  1. Ateng as much as I want to sympathize mukhang mahirap para sa aming may tindahan or sari sari store. Karamihang mga products ng NutriAsia like Datu Puti , Mang Tomas and Papa ang hinahanap ng mga customers namin eh. Ayaw nila ng ibang brand. Kung hindi naman namin pagbibilhan baka mawalan naman kami ng customers hu hu hu . #sarisaristoredilemma #notoNutriAsia

    ReplyDelete