Member ako ng isang HIV awareness group sa Facebook at sa panahon ng Internet at Google, marami pa rin talaga ang hindi nakakakaalam sa basics ng HIV/AIDS. Marami kasing nagkalat na fake news at maling akala. Kaya naman mag-HIV/AIDS 101 tayo, mga ateng. Eto ay galing sa Abot-Kamay booklet na ibinigay sa akin ng Manila Social Hygiene Clinic noong ako'y magpa-test taong 2013. Let's start educating ourselves:
HIV. Ito ang virus na nagdadala ng AIDS dahil sinisira nito ang immune system ng tao.
AIDS. Kumbinasyon ito ng mga sintomas at sakit na lumalabas sa katawan bilang resulta ng pagkasira ng immune system, na siyang lumalaban sa mga impeksyon sa loob ng katawan natin.
Hindi magkatulad ang HIV at AIDS. Virus ang HIV samantalang isang kondisyon ang AIDS at ito ang pinakahuling stage ng pagkakaroon ng HIV. Upang higit itong maintindihan, nasa ibaba ang mga antas sa pagkakaroon ng HIV infection:
Stage 1: Primary Infection. Hindi tulad ng ibang STIs, walang kagyat na mararamdamang sintomas ang isang taong positibo sa HIV sa inisyal na impeksyon. Gayunpaman, may antibodies na nadedevelop ang katawan mula tatlo hanggang 12 linggo matapos mahawa. Umaabot din sa anim na buwan ang pagdevelop nito para sa ibang tao.
Sa loon ng dalawang linggo matapos ang exposure sa virus, maaaring lumabas ang mga sintomas ng trangkaso tulad ng mataas na lagnat, pananakit ng kasu-kasuan at kalamnan, at panghihina. Maaari din namang wala rin ang mga sintomas na ito kahit nagdedevelop na ng antibodies ang katawan sanhi ng pagkakaroon ng HIV.
Stage 2: Asymptomatic Illness. Tinatawag na window period ang pagitan ng panahong hindi pa nadi-detect sa dugo ang HIV/AIDS. Mahalaga ang window period dahil sa panahong ito inaakala ng maysakit na malusog siya. Posibleng lumabas na negatibo ang HIV test niya sa panahong ito. Ngunit matapos ang anim na buwan ay maaaring lumabas nang positibo ang dugo niya sa HIV dahil nadevelop na ang virus.
Higit na delikado ang window period para sa taong hindi pa nakapagpapa-test dahil wala sa hinagap niyang may HIV siya. Malaya siyang nakikipagtalik sa iba bagay na nakapagpapabilis sa paglaganap ng HIV/AIDS. Maaaring tumagal ng isang taon ang kalagayang ito. Gayundin, tumatagal sa asymptomatic stage ang isang may HIV/AIDS kapag umiinom siya ng mga antiretroviral.
Stage 3: Advanced Disease o Immunocompromised stage. Nasa advanced stage na ng impeksyon ang kalagayang ito. Malaki ang posibilidad na magkaroon na ang taong nasa AIDS stage ng secondary cancer, TB, mga sakit sa gastro-intestinal tract tulad ng paulit-ulit na pagtatae, galis sa balat at mga neurological infections. Maaaring ikamatay ng taong nasa yugtong ito ang mga kumplikasyon dahil sa mahinang immune system.
Tatlong Paraan ng Pagsalin ng HIV
1. Unprotected at penetrative sex sa isang infected na tao.
Vaginal sex
Anal sex
Oral sex
2. Nakukuha sa dugo sa pamamagitan ng:
Pagsasalin mula sa impektadong tao tungo sa walang sakit
Pakikigamit ng heringgilya ng may HIV/AIDS
Aksidenteng pagtusok ng karayon; at
Pagsasalin ng internal organ tulad ng kidney atbp.
3. Mula sa infected na ina tungo sa kanyang sanggol habang ipinagbubuntis ito, o sa pamamagitan ng pagpapasuso ng gatas ng ina.
Apat na katas ng katawan ng tao lamang ang may taglay na sapat na dami ng HIV para makahawa:
1. Dugo
2. Tamod (seminal fluid)
3. Hima (vaginal o cervical fluid)
4. Gatas ng ina
Hindi makukuha ang HIV sa ganitong paraan:
Pakikipaghalikan
Pag-ubo
Pagyapos o pakikipagkamay
Paglangoy sa pool
Paggamit ng CR
Kagat ng lamok o kahit anong insekto
Paggamit ng kubyertos o baso
Pagta-trabaho at pagtira kasama ang isang PLWHA (People Living with HIV/AIDS)
Paano maiiwasan ang HIV?
Proper use of condom
Don't do drugs and alcohol
Be faithful
Abstinence
Proper education
May lunas na ba o bakuna laban sa HIV/AIDS? Wala pa. Subalit maaaring bigyan ng Anti-Retroviral Drugs (ARVs) ang mga taong may HIV/AIDS. Makakatulong ito upang palakasin ang kanilang immune system at pababain ang dami ng HIV sa kanilang katawan.
Sure ako na malalabanan natin ang pagdami ng mga bagong kaso kung palalaganapin natin ang tamang impormasyon ukol sa HIV/AIDS. Hindi madali pero kung sama-sama tayo, mapagtatagumpayan natin itez.
*PhilStar: DOH reports 900 new HIV cases in April
tigilan ang bareback kasi eh
ReplyDelete