Sunday, March 10, 2019

Maaasahan

Both Princeton University and University of the Philippines denied Imee Marcos' claim that she graduated on both universities. Todong nakakahiya! With honors pa man din ang palabas ng lola niyo, 'yun pala ay imbento lang. Akala niya yata eh hindi aalingasaw ang baho na kanyang itinatago. Kung scholastic records pa lang eh pinasinungalingan na niya, paano pa kaya ang pagsisilbi sa bayan? Mahirap magtiwala sa taong tulad niya ah!

Our VP Leni Robredo has a very classy statement about the issue...


Si Sara Duterte na lider ng Hugpong Pagbabago na ini-endorso si Imee ay uminit ang ulo at bumwelta. I don't want to quote the exact statement dahil ano ba ang maaasahan natin sa bunganga niya? Ang sabi niya, since day 1 daw ay fake VP na si Leni at questionable ang pagkapanalo. Dinagdag pa ang pakikipagrelasyon diumano ni VP sa ibang lalaki. KALOKA! Super dirty na nakakahiyang marinig sa isang presidential daughter. 

Bet din ni Sara na siya na lang ang harapin ng Otso Diretso sa debateng kanilang hinihingi. Ang siga ni ateng! In the first place, kung kampante ka sa senatorial slate mo, hahayaan mo silang magsalita, ilahad ang kanilang plataporma at kunin ang puso ng mga manonood. I personally want to know what are the plans of Bong Revilla, Jinggoy Estrada, Lito Lapid and the likes kung sakaling maupo sila. Ano pa ang kailangan nilang gawin na hindi nila nagawa noong nakaupo sila?

Kaya mga ateng, 'wag magpapadala sa matatamis na salita, pangako, at song and dance number ng mga kandidato. Suriin nang husto ang kanilang background (education, work experience etc.), alamin ang kanilang mga plataporma at saka pumili ng iboboto. 

Nakita niyo naman kung ano ang nangyari sa loob ng tatlong taon. Nasa ating mga kamay kung gusto natin nang pagbabago o ituloy kung ano ang meron sa ngayon.

2 comments:

  1. Yan ang gusto ko sayo Ateng youre so opinionated and alam mo ang kinukuda mo he he. Hindi katulad ng iba na talak nangg talak wala namang wawa ang mga sinasabi.

    ReplyDelete
  2. Salamat, 'Teh Edgar! Ang hirap magsulat ngayon pero para sa bayan, itutuloy natin.

    ReplyDelete