Sunday, August 11, 2019

Takilya

I wanted to attend the entire Saturday run (August 10) of Cinemalaya 2019 pero sold out na ang John Denver Trending at F#*@bois. Buti na lang at showing rin ang festival sa Ayala Cinemas kaya gora akiz kaninang 9:30 PM to watch F#*@bois.

Fuccbois (2019)
Found Films
Written and Directed by Eduardo Roy Jr.
Starring Royce Cabrera, Kokoy De Santos, Yayo Aguila and Ricky Davao

Punung-puno ang Cinema 4 at lumalaban sa takilya ng Hello, Love, Goodbye ang Cinemalaya entry ni Eduardo Roy Jr. At first, I was intrigued sa 30-second teaser na available sa YouTube. Walang trailer so I don't know what am I going to see. As the movie progress, familiar ang issue. Kung nabalitaan niyo dati ang isang barangay chairman na pinatay ng dalawang cutie bagets, 'yun na 'yon!


Sina Ace (Cabrera) at Mico (De Santos) ay mga bikineros na pangarap maging artista. Si Mico ay natanggap na sa isang teleserye kaya punung-puno siya ng pag-asa sa simula ng istorya. Si Ace naman ay boylet ni Mayor Brittany (Davao) pero bet na niyang hiwalayan dahil may pukihan na siyang jowa (Aguila).

Grand finals ng Mr. Galaxy sa Mankind at sikretong nanood si Brittany. Nasaksihan niya ang sweet moments ng dalawa at dito na siya nilukuban ng panibugho. Pinagbantaan niya si Ace na ikakalat ang sex videos nila ni Mico kung hindi nito sasagutin ang kanyang mga tawag at texts.

Royce Cabrera and Kokoy De Santos
Dahil sa takot na kumalat at mapanood ng pamilya, sumama sina Mico at Ace sa resort ni Brittany para pakiusapan na i-delete ang video. Nomohan at kemehan muna bago naisagawa ang plano. Eh biglang napabalikwas ni Brittany nang malaman ang plano. Doon na nagsimula ang krimen. Very bloody ang mga sumunod na eksena. KALOKA!

I was surprised na well-acted ang pelikula. Hindi nagpahuli sa aktingan sina Royce Rivera at Kokoy De Santos kay Ricky Davao kahit na baguhan silang maituturing. TBH, daig pa nila 'yung ibang mainstream actors. Pinatibok-tibok din ni Royce ang puson ko sa kanyang kagwapuhan at kaseksihan. Nagwater-water ako sa pa-surprise niya. PAAAK! Malamang na manalo rin ng award si Ricky Davao sa pagganap niya kay Brittany. Feel na feel namin 'yung abusive at manipulative behaviour ng character. Paborito ko 'yung bed scene niya. Tawang-tawa ang moviegoers ahahaha!

Level-up na rin ang mga indie films ngayon at gumagamit na ng tripod. Dati kasi hilong-hilo ako sa mga sinaunang indie films. Parang kailangan mong lumaklak ng Bonamine 2 hours before the show. CHAR! Wala rin masyadong sound effects at background music habang tumatakbo ang istorya. Bumagay sa dark theme ng pelikula.

There were scenes that I didn't like such as the bikini contest part. I feel na masyadong mahaba. Given na 'yung ad placement ng Frontrow kasi co-produced yata nila ito. But overall, the movie was good. Palabas pa ito 'til Tuesday (August 13) so don't miss it. Heto ang schedule:


Rating: 3 stars

No comments:

Post a Comment