Darwin Dormitorio |
Binawian ng buhay ang PMA cadet na si Darwin Dormitorio dahil sa broken internal organs. Ayon sa kanyang tiyahin, kinuryente daw ang bayag. JUICE KOH! Ganito na kalupit ang pagpapahirap sa mga bata ngayon para lang mapatunayan na sila'y malalakas at kayang tiisin ang kahit anong sakit. I just cannot imagine the pain he went through. Ayon sa balita, sinipa pa ito at tinamaan sa ulo. Nakakapanginig laman ang mga demonyong gumawa sa kanya nito.
Isa namang miyembro ng UP Sigma Rho ang kinitil ang sariling buhay dahil sa hazing expose ng fraternity. Screenshots daw ito ng hazing ritual na may kasamang imahe ng paddle at bugbog na katawan at mukha. Ang sakit sa puso! Nakiusap ang Chacellor ng UP Diliman na si Michael Tan na ihinto ang pag-post at pag-share sa social media para na rin sa privacy ng apektadong pamilya.
Bukod sa bugbog at paso ng kandila, na-stroke at nagka-internal hemorrhage naman si Jonathan Concordia ng Laguna State Polytechnic University. Kusang loob daw na sumali sa Tau Gamma Phi fraternity ang 18-anyos na Criminology student. Inamin ng spokesperson ng fraternity na dumaan nga sa hazing si Jonathan pero nakapasa na daw ito. Ang hindi lang maganda sa pandinig eh parang sinisisi niya ang pag-gym ng bata. Watch niyo...
Nakalulungkot talaga ang ganitong klaseng balita. Karahasan sa ngalan ng kapatiran. Up to now, I still don't get the concept of hazing. Para sa akin, karuwagan ang pagsali sa frat. Masyadong pinahahalagahan na pahirapan ang isang tao para maging miyembro. Napaka-entitled! Nakakasuka! Matapang dahil may kinakapitan pero bahag ang buntot sa totoo lang.
Hindi na maibabalik pa ang buhay na nawala dahil sa karahasan. Patuloy na mangyayari ito kung hindi magbabago ang bulok na paniniwala sa konsepto ng "kapatiran". We can only hope for the better. And change.
No comments:
Post a Comment