Friday, December 29, 2023

Kaharapin

2014 pa pala noong huli akong manood ng pelikula sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Magsasampung taon na! Oh well, daming factors why pero ang pinaka diyan ay ang pagkamahal-mahal na presyo ng ticket. But this time, lumabas ako ng lungga at nagtungo sa Gateway Cineplex para panoorin ang pelikulang isinulat ni Archie Del Mundo mula sa orihinal na istorya ni Lex Bonife, ang Broken Hearts Trip...

Broken Hearts Trip (2023)
BMC Films and Smart Films
Directed by Lemuel Lorca
Screenplay by Archie Del Mundo and Lemuel Lorca
Starring Iyah Mina, Marvin Yap, Teejay Marquez, Petite, Andoy Ranay, and Christian Bables

Kwento ito ng limang broken hearted na sumali sa isang travel reality show. Kada lugar, may challenges na kailangang kaharapin, whether physical or emotional, at ang magwawagi ay mag-uuwi ng isang milyong piso. Ang mga kasali ay sina...

Mark (Petite) - isang transgender woman na tumayong ina sa anak ng kanyang jowa

Alex (Ranay) - tinakasan ng jowa matapos kubrahin ang limang milyong piso na investment sana sa isang negosyo

Ali (Yap) - ipinagpalit ng afam sa iba at nalugi ang negosyo

Bernie (Mina) - 'thank you girl' o palaging runner-up sa mga beaucon, never naging winner pati sa puso ng jowang kinupkop at inalagaan

Jason (Marquez) - la ocean deep na ta-ar-tits at nangangailangan ng pangalawang pagkakataon na sumikat

Unique ang plot pero relatable ang bawat background ng mga bida. Mabilis ang pacing at walang filler scenes. Pinakamaganda sa lahat ang cinematography dahil iisipin mong mag-book agad ng bakasyon sa mga lugar na kanilang pinuntahan. I personally want to experience the boat ride at 'yung pagtalon sa falls.


Sobrang fan ako ni Iyah Mina sa Mamu; And a Mother too at hindi siya nagpakabog sa aktingan dito. But the two characters that surprised me were Petite and Marvin Yap. Ang gagaling nila sa mga karakter nila. Ramdam mo 'yung sakit ng pinagdaanan nila na naging dahilan para sumali sa kontes. Petite was very motherly. My only critic siguro about the film is they could have highlighted the winner sa ending then transition to the story of the host (Bables).

If you want to feel good, be entertained, at manood ng kakaibang istorya this MMFF season, I recommend you to watch this film kahit na palabas na lang ito sa piling sinehan. Yesterday, it was only screened sa SM Megamall at Gateway sa Metro Manila. Like ika-apat na araw pa lang ng MMFF pero ganito na ang trato sa ilang entries. I hope MMDA can do something about it like entries have guaranteed number of cinemas for their entire run.

Rating: 3.5/5 stars