Monday, October 13, 2025

Samu't-Sari 4.0

  • Sunud-sunod ang sakuna mula lindol at pag-alburoto ng mga bulkan. Mother Nature, please lang tama na. Pero kung galit pa kayo, kindly spare the hospitals and schools. Doon na lang po kayo mag-focus sa bahay ng mga pulitikong kurap.
  • Bakit hindi naka-publiko ang imbestigasyon ng ICI? May pinoprotektahan ba sila? Sana kung may managot man, dapat kasama ang malalaking pangalan. Dahil kung hindi, uulitin lang nila ang pagnanakaw, mauulit lang ang mga substandard na proyekto, at mga ordinaryong Pilipino pa rin ang babahain.
  • Dapat lunurin sa tubig baha na kulay grey ang mga kurakot. 'Yung tipong papasok sa bunganga nila ang mga dagang kanal at lalabas sa pwerta. Kung hindi man sila mamatay sa pagkalunod, kahit sa leptospirosis na lang, mga hayuff sila!
  • Nasa kalagitnaan na tayo ng October pero malamlam pa rin ang selebrasyon ng Kapaskuhan. Wala sa mood ang mga tao na magsaya dahil pare-pareho tayong nahihirapan dahil sa panggagago sa atin ng mga pulitikong magnanakaw. Isama mo pa ang bangayan nina Sara at BBM.
  • Paborito ko ang Sbarro pero ramdam ko na nagbago ang serbisyo at kalidad ng pagkain nila.
  • Walang ka-showgirl-showgirl sa bagong album ni Taylor Swift!
  • Bigla akong naging excited sa Love You So Bad nina Will Ashley at Bianca De Vera. Baka manood ako kapag sila ang endgame.

No comments:

Post a Comment