Tuesday, February 8, 2022

Doorknob

Umpisa na ng kampanya para sa national elections. Todong excited na akong mapalitan ang kasalukuyang gobyerno. Pero sana naman 'wag tayong bumoto ng magnanakaw at manloloko ng taong bayan. Doon tayo sa malinis ang track record at laging nandiyan para tumulong. Gumagawa ng paraan maliit man ang budget. Pumili din tayo ng mga senador na ipaglalaban ang pantay na karapatan ng LGBTQIA+ community. Nakakasawa na mapanood sa TV na ginagawa tayong katatawanan kapag ipinaglalaban ang panukalang batas na para sa atin. Huwag magpagoyo at magsaliksik nang husto kung sino ba ang may tunay na plano para sa nakararami.

Matapos ang post natin about Dante Gomez, naisip kong ibahagi sa inyo ang ilan sa mga underrated sexy actors na lumabas sa Chika Chika. 'Yung tipong kumpletos rekados at pasado sa ating pihikang panlasa pero hindi masyadong nabigyan ng movie projects o hindi man lang nakapag-bida. Next natin si Harold Pineda...


Ayon sa IMDb, naging aktibo siya sa showbiz mula 1997 hanggang 2002 at lumabas sa labing apat na pelikula. Sa lahat ng nabanggit, sa Pila Balde ko lang siya napanood. Mas naalala ko siya sa isang photoshoot kung saan wet na wet ang bikini niya na halos maaninag na ang doorknob ng langit. Searchable 'yan sa Google kaya go and find it! Isa din siya sa paboritong gawing cover model ng Chika Chika at iba pang Pinoy sexy magazines.


Halikayo't basahin natin ang isang naughty at seryosong artikulo tungkol sa kanya. Lumabas ito sa mga pahina ng Chika Chika noong November 7, 1999 sa panulat ni Ador Saluta. Alamin natin kung bakit nagkaroon sila ng sigalot ni Leonardo Litton noon...

No comments:

Post a Comment