Ang pinag-uusapang Equus theater play na pinagbidahan ni Daniel Radcliffe ay nagsimula nang ipalabas dito sa ating bansa mula sa direksiyon ni Audie Gemora. Sina Marco Manalac at Red Concepcion ang gumaganap sa papel ng bidang actor na nagngangalang Alan Strang. Kuwento ito ng isang disi-siete anyos na lalaki na bumulag ng anim na kabayo sa pamamagitan ng pagdukot sa mga mata nito. Nakakaloka ang plot di ba?!?
Bonggang bongga yata ang palabas dahil isang Miss Leah Salonga lang naman ang nanood sa unang araw nito. Bali-balita din na may 10 hanggang 15 minutong todong frontal nudity ang lalaking bida rito. Huwaw!
Kung like mo ang ka-shala-hang theater play na itey, aba wag mo nang palampasin at palabas pa ito sa July 10, 16, 17, 23 at 24 sa ganap na alas-otso ng gabi. Kung bet mong manood ng hapon, meron sa July 10, 11, 17, 18, 24 at 25 ng alas-tres y media. Punta ka sa 2nd floor Onstage ng Greenbelt 1 dahil doon ang venue. 600, 400, at 250 peysosesoses lang ang tiket kaya kasyang kasya sa budget.
Para sa karagdagang impormasyon, go lang sa Repertory and TicketWorld websites.
No comments:
Post a Comment