Thursday, September 30, 2010

Refreshing

Ayan, bonggang bongga ang aking dalawang araw na pagha-hibernate mula sa technology. Feeling ko kasi todong radiation na ang nasasaganap ng bodacious body ko sa magdamagang tunganga sa harap ng computer. Kaya naman nag-ala Flintstones ako nitong nakaraang rest day ko. No blogging, no tweeting, no Facebook for 2 days. At perfect naman dahil 'ika nga ni Ces Drilon, I survived.

Pansin ko lang kasi, naging dependent ako masyado sa chat at exchanging of electronic messages na halos nakalimutan ko na ang value ng personal conversation. It's refreshing to see friends personally, have fun and bond with them. Masarap din i-spend ang araw with family at mag-usap ng kung anu-anong topic.

Kaya naman paggising ko kaninang umaga, feeling fresh and energetic ang byuti ko. At dahil masarap sa pakiramdam, I'll try to live a pre-historic life every rest day ko.

No technology.

Just pure Science.

2 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Of course I remember you Vivi. Yes! You'll survive any challenge na ibibigay sa atin ng buhay. Born to be a winner ang lahing bekbek =)

    ReplyDelete