Monday, June 26, 2023

Tinagalog

Where on Earth:

First Joy album by Melody
...is Melody?

Do you remember her, mga ateng? Siya 'yung kumanta ng mga tinagalog na international songs noong mid to late 90s tulad ng How Do I Live (Paano Ngayong Wala Ka?), My Heart Will Go On (At Kung Malayo Ka Man), For You I Will (Lahat Ito Para Sa'yo), Valentine (Tanging Ikaw Lamang), Finally Found Someone (Magpakailan Man) at marami pang iba. Tandang-tanda ko na pinatutugtog 'yan sa Kool 106 at palaging pasok sa OPM chart tuwing tanghali. Halos kasabayan niya sina Jessa Zaragosa at Renz Verano.

Bigla ko siyang naalala nang i-post ng CDs Atbp. sa Facebook ang dalawa sa mga cassette tapes niya. Itinigil ko na ang pagbili niyan noong late 2000s nang mag-transition ako sa CDs pero dahil nakatsamba tayo ng magandang player sa Marketplace recently, hindi na ako nag-atubiling bilhin ang tapes niya.

Tanging Ikaw Lamang album by Melody

Hindi ko alam kung nakailang album si Melody kasi wala siya halos result sa Google at hindi siya nakalista sa Discogs. Kahit sa YouTube at Spotify, hindi uploaded ang karamihan ng songs niya maliban sa First Joy album. I think debut album niya ang Paano Ngayong Wala Ka, followed by Tanging Ikaw Lamang then First Joy. Ang ganda ng boses niya, pang-legit na singer at ang linis lalo na kapag tumataas na ang nota.

Paano Ngayong Wala Ka album by Melody
Photo from eBay

Nostalgic sa akin ang mga kanta niya kasi very unique sa radyo ang tagalized songs. Sila lang ni Renz Verano ang naaalala kong kumakanta niyan. Iba ito sa MTB ni Michael V. na literal word by word translation ahahaha!

First time kong mapakinggan ang First Joy album last week at surprisingly, meron pala siyang version ng I Want It That Way ng Backstreet Boys at Will You Wait For Me ni Kavana. Heto, pakinggan natin... 


1 comment:

  1. naalala ko itong singer na ito. noon oo i must admit tinawag ko itong baduy kasi nga Tagalized version. Ngayon medyo nagkaka edad ako, in terms of voice quality ok naman pala sya.

    ReplyDelete