Saturday, August 4, 2012

Bangin

Dahil may naligaw sa blogelya ko't nakipagpalitan ng klasikong pelikulang Pilipino, sa wakas ay napanood ko na ang isa sa mga iminungkahi niyong pelikula, ang Nakaw na Pag-ibig starring Nora Aunor, Philip Salvador at Hilda Koronel.

"Makakapili? Iniinsulto mo ba ako? Anong tingin mo sa akin,
na kapag umibig ako'y para akong pumipili ng damit o kotse?"
Si Azon (Aunor) ay ulilang factory worker na may crush kay Robert (Salvador), isang forklift driver sa parehong kumpanya. Palaging huli sa trabaho si Robert dahil bukod sa layo ng tinitirhan ay nag-aaral ito ng abogasya. Swerti naman at may bakanteng kwarto sa bahay si Azon na malapit lang sa factory kaya doon na lang siya nangupahan. Kung abot kamay mo na si crush, ano pa nga ba ang next step kundi todong lumandi. Nagtagumpay naman siyang matikman 'to. PANALO!

Nangailangan ng driver ang amo nila at si Robert ang natipuhan. Sapagkat pwede rin maging bodyguard ng anak na si Cynthia (Koronel), ginawa siya nitong permanente at stay-in sa bahay. Nangako naman siya kay Azon na dadalaw-dalawin 'to na noon ay jontis na.

Mapera't maganda (parang ako... chos!), 'yan si Cynthia. Kahit sino maaakit at hindi nakaligtas sa kanya si Robert. Nalaman ni Azon ang kataksilan at nagbantang mag-iiskandalo. Sa takot na mawala ang bonggang kinabukasan, inaya niya 'to sa Baguio at pinangakuan ng kasal na ang trulili eh push niya 'to sa bangin. Nakatunog si Azon sa maitim na balak. Ayun, nag-emote sa bangin hanggang sa natuluyan.


Si Lino Brocka ang nag-direk nito na siya ring nag-direk ng all-time fave ko na Bona. Pangatlo na 'to nina Ate Guy at Ipe sa mga klasikong napanood ko. Bet ko talaga ang working tandem nila. Unang beses ko naman makita ang tagisan nina Ate Guy at Hilda K. May nabasa nga ako dati na sila daw talaga ang mahigpit na magkakumpitensya sa aktingan kaya inabangan ko ang confrontation scene nila. Malumanay ang Superstar sa eksena kung saan hinihingi niya si Ipe. Ayaw paawat ni Insiang, wit niya give ang ohms na lab niya. Akala ko nga mauuwi sa sampalan at sabunutan pero 'di naman. Ending, walang nagwagi sa kanila bilang naupo sa de-kuryenteng trono si lalake.

Friday, August 3, 2012

Epektibo

Huling araw na kanina ng Iba Balita Ngayon sa Studio 23. Paborito ko pa naman panoorin 'yan bago mag Balitanghali ng GMA News TV. Bilang pokpok ako sa gabi, tuwing tanghali lang ako may chance manood ng news. Epektibo ang team-up nina Lynda Jumilla at Tony Velasquez bilang newscasters. Light at nakakaaliw ang matatalinong side comments nila sa mga isyu. Sayang at off-air na ang show. Wish ko lang 'yung pang gabing version na lang ang tsinugi tutal anlakas makakupal ng news anchor nun. Ay! Sino ba 'yun? 'Wag na nga at baka ma-BV lang tayesh.

Ang basurang itinapon mo...

Storm surge in Manila Bay
...malamang kasama dito.

Hardinero

Perfekta ang buwan ng wika sa 'sangkabaklaan dahil week after week yata eh may ipalalabas na gay indie film. Showing na sa inyong suking sinehan ang Adam's Apple, Kakagat Ka Ba? at pagkatapos ng isang linggo ay todong susunod naman ang Hardinero, ang latest offering ng Fortune Arts International at Sunflower Films.

Starring dito sina Jonas Gruet, Adriana Gomez, Kael Reyes, Marco Ronquillo and many more. Introducing pero bonggang lead role agad ang baguhang si Jeffrey Canterbury. Tunog imported ang namesung. Sarap sigurong magpa-bury sa kanya.

Ang pelikula'y sa direksiyon ni G.A. Villafuerte na siyang nag-direk sa kontrobersyal na Id'nal (Mapusok). Sa August 8 na 'to at heto ang trailer...

Thursday, August 2, 2012

Important

This is just...


WOW!

Si Julia Montes na talaga ang susunod na important star ng Kapamilya Network. Ang sushalin niya sa August 2012 issue ng Preview Magazine. Napaka-humble na artista at marunong pang mag-invest. Wala pa sa legal age pero nakapagpundar na ng bahay at negosyo para sa pamilya. Role model sa kabataan. PAK! 

Aspiring

Isa na namang aspiring lawyer ang bagong biktima ng karahasan sa "kapatiran". Siya si Mark Andrei Marcos, isang freshman law student sa San Beda College. Parang nakakasyokot namang mag-aral ng abogasya sa kolehiyong 'yan. Diyan din nag-aral si Marvin Reglos na biktima rin ng hazing. Parehong nagkulay talong ang katawan nila sa todong pambubugbog. Ganon ba talaga 'yon? Para mangarap kang magtanggol ng biktima o suspek sa isang korte, kailangan maging katulad ka muna nila? Ikaw ang biktima na sasalo ng bugbog at sila ang suspek na hahataw sa'yo? Nakakatulog kaya o nakokonsensya man lang ang mga gumawa nito sa kanila?