"Makakapili? Iniinsulto mo ba ako? Anong tingin mo sa akin, na kapag umibig ako'y para akong pumipili ng damit o kotse?" |
Nangailangan ng driver ang amo nila at si Robert ang natipuhan. Sapagkat pwede rin maging bodyguard ng anak na si Cynthia (Koronel), ginawa siya nitong permanente at stay-in sa bahay. Nangako naman siya kay Azon na dadalaw-dalawin 'to na noon ay jontis na.
Mapera't maganda (parang ako... chos!), 'yan si Cynthia. Kahit sino maaakit at hindi nakaligtas sa kanya si Robert. Nalaman ni Azon ang kataksilan at nagbantang mag-iiskandalo. Sa takot na mawala ang bonggang kinabukasan, inaya niya 'to sa Baguio at pinangakuan ng kasal na ang trulili eh push niya 'to sa bangin. Nakatunog si Azon sa maitim na balak. Ayun, nag-emote sa bangin hanggang sa natuluyan.
Si Lino Brocka ang nag-direk nito na siya ring nag-direk ng all-time fave ko na Bona. Pangatlo na 'to nina Ate Guy at Ipe sa mga klasikong napanood ko. Bet ko talaga ang working tandem nila. Unang beses ko naman makita ang tagisan nina Ate Guy at Hilda K. May nabasa nga ako dati na sila daw talaga ang mahigpit na magkakumpitensya sa aktingan kaya inabangan ko ang confrontation scene nila. Malumanay ang Superstar sa eksena kung saan hinihingi niya si Ipe. Ayaw paawat ni Insiang, wit niya give ang ohms na lab niya. Akala ko nga mauuwi sa sampalan at sabunutan pero 'di naman. Ending, walang nagwagi sa kanila bilang naupo sa de-kuryenteng trono si lalake.
Correct ka Ms. M. Si Nora at Hilda ang pinagtatapat ng marami kasi parho silang ng style sa pag-arte, subdued. Silang dalawa daw ang susunod sa yapak ni Lolita Rodriguez.
ReplyDelete