Thursday, August 2, 2012
Aspiring
Isa na namang aspiring lawyer ang bagong biktima ng karahasan sa "kapatiran". Siya si Mark Andrei Marcos, isang freshman law student sa San Beda College. Parang nakakasyokot namang mag-aral ng abogasya sa kolehiyong 'yan. Diyan din nag-aral si Marvin Reglos na biktima rin ng hazing. Parehong nagkulay talong ang katawan nila sa todong pambubugbog. Ganon ba talaga 'yon? Para mangarap kang magtanggol ng biktima o suspek sa isang korte, kailangan maging katulad ka muna nila? Ikaw ang biktima na sasalo ng bugbog at sila ang suspek na hahataw sa'yo? Nakakatulog kaya o nakokonsensya man lang ang mga gumawa nito sa kanila?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
i just dont understand. matatalino naman. ewan ko ba
ReplyDeletedapat kasi ang hazing... upgrade na rin may mga invite na rin silang doctor at nurse na titigin kapag nag hazing sila, para alam nila kung hangang saan ang kapasidad mg isang student sa hazing...pag walang invite na doctor at nurse ibig sabihin hindi totoo yun sinasalihan nila isang group. kaya ganyan dapat
ReplyDeletebakit kailangan pang makatikim ng bugbog para makasali sa kapatiran???????????????????pwede namang pitik bulag na lang or mag laro ng holen..
ReplyDelete