Sunday, July 28, 2013

Winners of Super Sireyna 2013

Super Sireyna Queen of Queens 2013 finalists
Tagumpay ang Super Sireyna Queen of Queens 2013 na ginanap kahapon sa Resort's World Manila. Kavogue lahat ng beaucon sa bongga ng presentation. Nagpatalbugan ang walong finalist sa kani-kanilang festival costume, talent at pagkuda sa Q&A portion.

Bembem (top left), Aya (top right) and Maki (bottom)
Umpisa pa lang eh si Maki Mercedez AKA Jennylyn Mercado na ang paborito ko. Todo elegante at classy ni ateng. Ang ganda pa ng kanyang background. Sayang at biglang nag-brownout sa amin dahil sa malakas na pagkulog at pagkidlat. 'Di ko tuloy natapos ang palabas. Alas-cuatro na bumalik si volta. Best in Costume si Bembem Radaza AKA Carla Abellana at Best in Talent naman si Aya Garcia AKA Bangs Garcia. Matindi daw ang labanan noong Q&A portion na. Ayon sa mga comments na nabasa ko, it was between Maki and Francine Garcia AKA Kim Chiu. Well, the latter won the title.

Francine Garcia
EB Super Sireyna Queen of Queens 2013
Maraming salamat sa Eat Bulaga sa pantay na pagtingin niyo sa aming lahi. Ilang dekada na kaming nirerespeto at pinapahalagahan ng Dabarkads kaya malaking bagay sa amin ang pagdaos niyo ng ganitong patimpalak. KONGRACHULEYSHONS din sa mga shupatemba natin na sumali! We're so proud of you!

Saturday, July 27, 2013

Nakasiksik

Tipid is in lalo na kapag ang layo ng pagitan ng sahod. Ngayong de-op ko, wala akez choice kundi ang manatili sa aming tahanan. Kesa todong maburyong, nag-scan na lang ako ng mga komiks strip.

Kung regular na nasubaybayan niyo ang vlag na itey, alam niyo na siguro na naging malaking tagasubaybay ako ng Philippine-published comics. Kaya naman laking tuwa ko nang may nakasiksik na ilang ganito sa "Balikbayan Package" 2.0.

Una kong ife-feature ang buhay may asawa ni Chari. Naimprenta noong Marso 1986 ng Sagalongos Publications at nabasa sa mga pahina ng Macho Komiks Taon 3 Blg. 68.

Paalala: Ang inyong mababasa ay Rated SPG mga 'teh.


Friday, July 26, 2013

Diamante

Eh idol Miriam, anong magagawa natin kung ang pulitika sa ating bansa ay sinasakop na ng mga action stars, la ocean deep na artista at may boxing superstar pa? Present pa sa SONA ang kapatid ng pangulo na Queen of All Media. Sa tingin mo ba, papatalbog ang mga asawa ng pulitiko sa kanya? Siyempre, hindi de vaahhh?! Kaya kung minamaliit man tayo ng Tsina at Taiwan dahil wala tayong bonggang armas na ipanlalaban sakali mang gerahin nila tayo, at least may pambili sina mam at ser ng designer clothes at accessories. Todo kinang pa ang diamante in the sky... shine bright like a diamond (repeat 'til fade).

Thursday, July 25, 2013

Walong Taon

I'm back mga 'teh! Sensya na't witey ako nagkapagpost ng vlagey for the past few days. Dyosa man akez sa aking paningin,  ang aking katawan ay tao pa rin. Nakakaramdam ng sakit ng tiyan. Akala ko nga sasabayan ko si Duchess Kate sa panganganak. 'Di ko pa pala kabuwanan. CHARUZZZ!

Dahil Huwebes ngayon, sabayan natin ang usong usong #ThrowbackThursday. Balikan natin ang tag-init walong taon na ang nakakaraan. Taon kung saan napaka-prestigious pa ng aking pagtingin sa mga bikini pageants lalo na sa Mossimo Bikini Summit 2005.

Tatlo sila na todong bet ko noon. Kilala niyo ba sila...

Oh well, kung hindi eh let me do the honor of introducing my exes. CHOS! Sa left si Einar Ingebrigtsen, ang bonggang winner that year. Nagpa-sexy ng todo sa Cosmo Bachelor Bash 2005 at rumampa nang naka-thong. Kahit naka-maskara siya noon, ramdam ng keps ko na siya 'yun. Naging model din siya Penshoppe. Sa gitna si Martin Jickain na ex ni Aiko Melendez. Na-feature ko na siya before kaya click niyo na lang itech ---> Luto. At sa kanan naman si Carlos Concepcion, ang pinsan ng pinakamamahal ko na si Mike Concepcion. Napanood noon sa SOP bilang isa sa limang miyembro ng Showboys kung saan kasama din si Marco Morales. Ngayon yata eh nasa New York siya at nag-aaral. YAMEEEN!!!

Kahit na 8 years ago pa 'yan, mukhang masasarap pa rin sila ngayon pero mas love ko si Einar. 'Yun nga lang hindi na siya active sa pagmomodelo. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Hhhmmm...

Sunday, July 21, 2013

Prinsipyo

Kapag wala akong dats at ayaw kong dumayo sa Quiapo para bumayla ng DVD, sa SM North ako rarampa. Mangangalkal ng Tagalog VCD's sa record bar hanggang sa makahanap ng ginto. 'Yun nga lang, hiyas ang nakita ko. Pwede na...

Hiyas... sa Paraiso ng Kasalanan (2001)
Leo Films
Directed by Rico Tariman
Screenplay by Carlito Conje
Starring Via Veloso, Francis Enriquez, Daniel Fernando, Lovely Rivero and Julio Diaz

Si Rowena (Veloso) ang bida ditey. Mahirap, nagsusumikap para sa ikaaalwan ng buhay. Uliran ang tatay (Diaz) niya pero lasenggo kaya ayun tinamaan ng sakit at nadedo. Napilitang lumusong sa putikan para maitaguyod ang nag-iisang kapatid. Pero bago pa 'yan nangyari, may isang lalaki na madalas niyang makita sa simbahan, si Jeffrey (Enriquez). Na-love at first sight ang ohms sa taglay na kariktan ng lolah natin. 'Di lang makakabig dahil laging istorbo ang magulang.

Friday, July 19, 2013

Dilat

Chris Cayzer
Photo courtesy of kellymisa.com
WAAAHHH!!! Ano bang nangyayari sa mga pantasya kong Fil-Australians? Una si Marco Morales, ngayon naman si Chris Cayzer...

Bakit ka naman nagpumilit pumasok sa ibang bahay kung dito sa kaharian ko, welcum na welcum ka. Kung sa akin ka kakatok, walang pag-aalinlangang bubuka ang bukana ng pinto ko para makapasok ka. Ipaghahanda kita ng ispeshalti ko.... paksiw na galunggong at ginisang sayote. May Tang Pineapple at minatamis na saging pa. Keribels kahit magdamag tayong dilat sa panonood ng TV. At nunca kitang isusumbong sa mga parak. Kahit buong buhay ka nang tumira ditey, walang problema. Libre lahat! Ang kailangan mo lang gawin ay diligan palagi ang 'hardin' ko ahihihihi

Thursday, July 18, 2013

Bago

Excited na ba kayo sa pagbabalik ng nag-iisang Diamond Star?

Oh My Mamma Mia! cast
Heto siya't magku-kwento tungkol sa comeback movie niya...


Hhhmmm... may napansin ba kayong bago sa kanya?