Kung hindi niyo alam, patuloy ang reclamation sa Manila Bay. Sakit sa mata ng buhangin at mga barko na nakatambay sa gitna ng tubig. Wala na ang dating maaliwalas at malawak na baybayin. Nakaka-miss ang mid-2010s era kung saan walang ganito pati na rin ang Dolomite beach. At 'wag kayong maniwala sa fakes news dahil hanggang ngayon, may basura pa rin.
Bilang Easter Sunday na, makwento ko lang na 20 years ago, kinuha ng isang events company ang buong section namin sa college para maging production assistant ng Easter Egg Hunt sa SM Supermalls. Buong araw na event 'yon dahil ala-singko ng umaga ang call time at matatapos ng bandang ala-singko ng hapon. Kanya-kanya kaming branch ng SM at dapat bago magbukas ay nandoon na dapat kami para mag-setup. Nakatutuwang panoorin ang mga bata na nagkakagulo sa mga plastic na itlog at tuwang-tuwa sa mga papremyo. Siyempre hindi maiiwasan ang mga intrimitidang magulang.
Bilang bukas ay balik-trabaho na tayo, hayaan niyong maging inspirasyon natin ang imahe ni Franco Zobel para pasukin tayo ng positive energy. Ito ay nailathala sa mga pahina ng Bedtime Stories...
No comments:
Post a Comment