Hiyas... sa Paraiso ng Kasalanan (2001)
Leo Films
Directed by Rico Tariman
Screenplay by Carlito Conje
Starring Via Veloso, Francis Enriquez, Daniel Fernando, Lovely Rivero and Julio Diaz
Si Rowena (Veloso) ang bida ditey. Mahirap, nagsusumikap para sa ikaaalwan ng buhay. Uliran ang tatay (Diaz) niya pero lasenggo kaya ayun tinamaan ng sakit at nadedo. Napilitang lumusong sa putikan para maitaguyod ang nag-iisang kapatid. Pero bago pa 'yan nangyari, may isang lalaki na madalas niyang makita sa simbahan, si Jeffrey (Enriquez). Na-love at first sight ang ohms sa taglay na kariktan ng lolah natin. 'Di lang makakabig dahil laging istorbo ang magulang.
Mabalik tayo. Napasok siya bilang pokpok sa bonggang casa ni Madam (Rivero). Dito siya binansagang Apple at marami siyang naging customer. May matandang mayaman, bagets na muntik siyang pagtripan at si Jeffrey. Ang pagkakataon nga naman! Siya dapat at di-divirginize dito pero may prinsipyo si lalaki. Makikipag-tsuktsakan lang siya sa babaeng mahal niya. Lakas maka-charot nito ah!
"Ang unang gusto kong makatalik ay ang babaeng pakakasalan ko't mamahalin..." |
Sa tulong ni Ricky ay nakabalik siya ng kolehiyo. Naging mag-classmate sila ni Jeffrey. Dito na sumibol ang matamis nilang pagmamahalan. Kainggit! Eh naknowsline ng mga magulang ni lalaki kung ano siya dati kaya todo kontra ang mga 'to sa kanilang relasyon.
Natagpuan ni Madam kung saan siya nagtatago at pinababalik siya nito sa casa. Wit na niya bet dahil enjoy siya sa pagiging malinis. Enter the dragon si Ricky at bugbugan scene ang sumunod. Biglang dumating ang mga lespu. Cue na 'yan para sa ending.
Nakakatawa 'yung title pero may konek naman sa istorya. Medyo common pero maganda ang pagkakabuo ng mga eksena. Bet ko talaga kapag may Cinderella ingredient ang isang pelikula. Mahirap, inaapi saka makikilala si prince charming.
Rating: 3.5/5 stars
Bb Melanie,
ReplyDeleteHiyas? Mahirap hanapin ang Konek, pero meron nga. Parang kantang: HANDOG lang ang peg.
Anyway, ikaw ba teh pareho rin ba lkayo ng prinsipyo sa buhay? Handa ka ba ibigay ang iyong pagka babae sa taong siyang magpapakasal sayo? Ayan na!
Ano masasabi mo teh?
Olga Luxuria
di ba harang iyan? kasi bumili din ako birthday gift ni didith romero pero wala naman naman singit penekula ke alvin sa sta lucia mall cainta/ pero na bili ako ng pirated dvd as P35 sa bangketa as meron singit. ang gulo noh as lalugi ako ng P150.
ReplyDelete-Teh Olga, pareho kami ng prinsipyo kaya nga hanggang ngayon eh nananatili akong puro, malinis at dalisay ('wag sanang kumidlat).
ReplyDelete-Teh Anonymous, anong pinagsasabi mo?