Sunday, November 27, 2011

Manhid

Minsan nararamdaman ko na mas matanda pa ako sa tunay kong edad. Pagod na ako agad. Gusto kong sabihin na kaya ko 'to, na malalagpasan ko rin ang lahat pero dumarating sa puntong ayaw ko na.

Gusto kong makatulong sa abot ng aking makakaya. Kung minsan nga, kahit hindi eh kinakaya ko pa rin. Matatag ako. Alam ko 'yun. Hindi ko lang maramdaman iyon ngayon. Biglang naglaho ang matibay na Melanie. Mahina at marupok na bakla ang nababasa niyo ngayon.

Tao lang ako na nagfi-feeling dyosa. Nasasaktan. Natatakot. Nagsasawa. May maliit na boses na nagsasabing subukan ko pa rin kahit ilang beses na akong nadapa at pinagsaraduhan ng pintuan.

Pag-iisipan ko muna ng mabuti bago ako sumubok at gumawa ng desisyon. Namamanhid na yata ako sa rejection.

Pasensya na.

May pinagdadaanan lang.

At hindi ito tungkol sa lablayp.

Wish ko lang.

13 comments:

  1. anuman yan te, just pray and no matter how heavy your burden is....HE will you rest.....just ask...;-D

    ReplyDelete
  2. kaya mo yan. dasal lang for strength.

    ReplyDelete
  3. what's meant to be will always find its way. god bless

    ReplyDelete
  4. have faith Bb melanie!!!....lilipas din yan! may mgic daw ang Christmas...

    ReplyDelete
  5. hangin there, ateh...

    ReplyDelete
  6. we are allowed our downtime nmn.
    just be sure u know when to pick yourself up.

    ReplyDelete
  7. teh.. di ako sanay. hopefully ul bounce back to your old jolly self in no time.

    ReplyDelete
  8. Melanie talaga ganyan ang buhay...full of pain and trials...pero di para i-down tayo kung di para maglearn tayo...para 1 day when we look back we can be proud of ourself. So hawak ka lang wag ka bibitaw...tatagan mo loob mo... go out with friends...everything will be fine...

    ReplyDelete
  9. well...ms m....kaya mo yan...tayo pang mga beki...malalakas loob ntn sa ganyan at immune na tau sa mga ganyan exena...go go go girl

    ReplyDelete
  10. I'm feelin' much better now salamat sa comments niyo mga 'teh :)

    ReplyDelete
  11. u have purpose in life at nagawa mo ito thru ur blogspot...marami ka ring napasayang tao like us...in return, we will make u happy too by giving u a very good advice....we lov u girl...konting kembot lang yan....mwah....

    ReplyDelete
  12. loka loka. Tigilan mo nga pag emote emote dyan. Loka to, hmmp. Inggit nga ko sa blogsite mo, tapos kaw dyan emote emote. Hmmp. Kunin mo nga suklay mo.

    ReplyDelete