Monday, April 30, 2012

Suntukan

Dalawang kasabihan mula kay Bb. Melanie:

Image from My Sarisari Store
  • Iwasang magmayabang kung 'di rin lang kagandahan sapagkat mas lalong lumulutang ang iyong kapangitan.
  • Huwag ismolin ang mga bakla sa suntukan at baka ikaw ang una naming masampolan.

Sunday, April 29, 2012

Rooftop

Where on Earth:


...is Harold Pineda?

Sino ba naman ang hindi nahumaling sa kanya noong late 90's - early 2000's lalo na't walang kiyeme siyang nagbuyangyang ng kanyang masarap na wankata? Hindi pa uso ang Internet noon kaya naman sa mga local gay magazines lang tulad ng Chika Chika, Valentino at X-Pose todong matutunghayan ang kanyang kahubdan.

Bago siya napasok sa showbiz eh bonggang winerva muna siya ng Ginoong Pilipinas. Nagkaroon siya ng ilang pelikula at isa diyan ang award winning na Pila Balde with Ana Capri. I'm sure eh nasight niyo na rin ang walang kupas niyang photoshoot sa rooftop kung saan marami siyang props tulad ng kulambo, water sprinkler, gigantic hose at ang paborito ko sa lahat, hawla ng ibon. Kahit mahigit isang dekada na yatang kinunan 'yon, ang sarap pa rin pagpantasyahan.

At dahil hindi ko alam kung where na him, let's reminisce his delightness sa pamamagitan ng artikulo niya sa Chika Chika Extra-Extra Vol. 1 No. 14 dated February 3, 2000 written by Dominic Rea.

(right click then open image in new tab for clearer view)

Friday, April 27, 2012

Bloody Love

Hi Papa Mike! Acoh ba ang kinakawayan mo o ang taxing sasakyan natin? How shuweet naman of you to bring flowers for me. Oh! It smells so good just like meh. I'm so kilig up to the tiniest part of my body. There's also butterflies in my stomach whenever I see you. Is this love or am I just infatuated? Either way, it feels so good. NAKS! That's English you know. Can you punas the blood on my nose? Hihihi...

*Photography by Olivier Passebeque for Philippine Star Ystyle

Thursday, April 26, 2012

Skuala Lumpur

Nakakabahala naman ang sunud-sunod na balitang demolisyon sa Parañaque at Quezon City. Nauna noong Lunes ang Silverio Compound kung saan isang buhay ang nasawi dahil sa marahas dispersal. Bali-balitang SMDC ang nakabili ng lupa kung saan magtatayo sila ng gusali. Todong dineny naman ni Henry Sy Jr. ang paratang pero may papeles na nakuha ang mga residente na dapat by June 2012 ay ready na ang lupa para umpisahan ang proyekto ng NHA/SMDC.

Dito naman sa QC ay nakatakda na rin ang petsa ng demolisyon sa mga informal settlers ng Doña Nicasia Subdivision bandang Commonwealth. Ilan sa mga residente ay nagbarikada noong isang araw sa harap ng Quezon City Hall.

Noong isang linggo naman, nasunog ang ilang kabahayan sa may Agham Road malapit sa TriNoMa. Nasunugan man, pinili ng mga naapektuhan na 'wag lisanin ang kanilang pwesto. Magtatayo na lang daw sila ulit ng panibagong matitirhan. Ayon sa balita, Ayala Land naman daw ang nagbabalak umangkin sa mga lupa at gagawin daw business district. HUWAW! Sa Montalban, Rizal ang relocation site at hindi man lang sa parehong siyudad. KALOKA!

Simula nang malipat ako sa public school noong ako ay Grade 5, nagkaroon ako ng mga kaibigan at ka-klase na nakatira sa skuala lumpur. Hindi man ako natira sa ganoong lugar, alam ko ang hirap na kanilang pinagdadaanan. Nariyang hindi makapasok ang ilan sa aking mga ka-eskwela dahil na-demolish ang kanilang bahay. Ang iba ay nasangkot sa batuhan para lang ipaglaban sa kanilang tinitirhan. Sa murang edad, natuto na sila kung paano protektahan ang lugar kung saan sila nagkamalay.

Andiyan na tayo sa konseptong parte ng pag-unlad ng isang lungsod ang magagarang imprastraktura. 'Yun nga lang at 'di maiiwasang may masagasaan dahil hindi naman bakanteng lote ang balak nilang gawan.

Noong panahon ng Kastila at Amerikano, may malinaw silang konsepto para sa city development ng ating bansa. Ngayon kasi na hati-hati na ang lungsod, kanya-kanya silang plano kung paano pauunlarin ang kanilang nasasakupan. Kebs sa mga taong maapektuhan pero kapag malapit na ang halalan, walang demolisyon na mababalitaan. Aawitan muna sila ng matatamis na pangako kapalit ng kanilang boto. Kapag winerva na, talo-talo na!

Sa EDSA nga lang, halos tabi-tabi na ang mga bonggang condo units na itinatayo ng SMDC, Ayala Land, GA atbp. Para ngang sinasakop na nila ang highway eh. Wala nang lugar if ever na magkaroon ng road widening ang pinaka abalang lansangan sa Kamaynilaan. Hindi na ako magtataka kung balang araw eh sina Sy at Ayala na ang may ari ng NCR.

Tuesday, April 24, 2012

Patak

Kasabay ng pag-init ng panahon ang pagkatuyo ng lupa. Kapag ilang araw o linggo na hindi pumapatak ang ulan, magsisimula nang magbitak-bitak ito. Diyan ko maikukumpara ang sex life ko. Tuyo, bitak-bitak at... at... at... tuyo. Keri lang 'yan since buhay pa naman watashi. Anyways, hindi sex life ko ang sentro ng ating usapan ngayon kundi ang kontrobersyal na video na 'to...


Matapos kong mapanood 'yan, nasabi ko sa aking sarili ang pamosong linya ni Basha sa pelikulang One More Chance...

"Sana ako na lang... sana ako na lang..." sabay patak ng luha.

Friday, April 20, 2012

Kondisyon

Isa ako sa mga broken-hearted ng maluz valdes ni Jejomar Binay si Mar Roxas sa pagka-pangalawang pangulo noong 2010 National Elections. Todong nahirapan akong i-accept na olats ang bet ko. Wala naman akong choice kundi  tanggapin ang resulta at mag move-on na lang.

Ayon sa mga sarbey eh laging mataas ang trust ratings ng mga utaw sa kanya. Nauungusan pa nga niya si PNoy eh. Imperness naman kay Binay, nakita ko naman na ginawa niya ang kanyang makakaya para hindi mabitay ang mga Pinoy na nahatulan ng death penalty sa China noong 2011. Siya rin ang in-charge sa pabahay program ng pamahalaan. Good job for 2 years ang lolo mo.

Mahigit apat na taon pa bago ang susunod na presidential elections pero ano ba itong si VP at atat yatang maging pangulo. Nabanggit na niya noong isang taon na may balak siyang tumakbo bilang presidente at inulit na naman niya this year. Pa ul-ul lang. Wala namang masama mag-ambisyon noh! Sino ba naman ako para pigilan siya? Lumayo ka man ay maiiwan ♫ ang bakas ng ating pagmahahalan ♪ Ang awiting ito ay alaala ♫ na hindi kita malilimutan ♪ CHAR! Napakanta lang.

Ewan ko lang ah pero para sa akin, parang hindi maganda na wala ka pa sa kalahati ng termino mo eh sinasabi mo na ang ganyan. Para kasing kinukondisyon mo na ang tao na ikaw ang iboto as early as now.

Walang halong kaplastikan mga 'teh, 'di ko man siya bet noong una eh mukhang malinis naman siyang pulitiko. Gandang ganda nga ako sa City Hall ng Makati eh. Hindi ko lang talaga feel ang 'maagang pangangampanya'.

Speaking of maagang pangangampanya, napansin niyo bang very visible na ang ilan sa mga personalidad na tatakbong senador next year? Malayo pa ang campaign period pero ramdam ko na sila. Nakikisawsaw sa iba't ibang isyu ng bayan. Isa sa kanila eh may bonggang billboard sa EDSA. Well, well, well, for sure mas dadami pa 'yan sa mga susunod na araw. Abangan.

Thursday, April 19, 2012

Sarong Banggi, a stage play

Ang writer at direktor ng pelikulang Taksikab na si Archie Del Mundo ay may bagong handog para sa atin. This time ay stage play naman ng pelikulang Sarong Banggi, ang 2005 indie movie ni Emmanuel Dela Cruz

Sa adaptasyon na ito, si Marife Necesito ang gaganap na Jaclyn, ang role ni Ms. Jaclyn Jose sa pelikula. Si Rob Joseph naman si Nyoy na originally ay ginampanan ni Angelo Ilagan.

One night only lang ito mga shupatemba kaya kung bet niyo manood, go na kayo sa April 26 (Thursday), 9 PM sa Music Box Comedy Bar sa Timog Ave. QC. 500 peysosesoses ang ticket with special performances by Rain Javier, Xixi Maturan and a lot more.

This stage play is written & directed by Archie Del Mundo and produced by Eightfold Path Productions.