Friday, April 20, 2012

Kondisyon

Isa ako sa mga broken-hearted ng maluz valdes ni Jejomar Binay si Mar Roxas sa pagka-pangalawang pangulo noong 2010 National Elections. Todong nahirapan akong i-accept na olats ang bet ko. Wala naman akong choice kundi  tanggapin ang resulta at mag move-on na lang.

Ayon sa mga sarbey eh laging mataas ang trust ratings ng mga utaw sa kanya. Nauungusan pa nga niya si PNoy eh. Imperness naman kay Binay, nakita ko naman na ginawa niya ang kanyang makakaya para hindi mabitay ang mga Pinoy na nahatulan ng death penalty sa China noong 2011. Siya rin ang in-charge sa pabahay program ng pamahalaan. Good job for 2 years ang lolo mo.

Mahigit apat na taon pa bago ang susunod na presidential elections pero ano ba itong si VP at atat yatang maging pangulo. Nabanggit na niya noong isang taon na may balak siyang tumakbo bilang presidente at inulit na naman niya this year. Pa ul-ul lang. Wala namang masama mag-ambisyon noh! Sino ba naman ako para pigilan siya? Lumayo ka man ay maiiwan ♫ ang bakas ng ating pagmahahalan ♪ Ang awiting ito ay alaala ♫ na hindi kita malilimutan ♪ CHAR! Napakanta lang.

Ewan ko lang ah pero para sa akin, parang hindi maganda na wala ka pa sa kalahati ng termino mo eh sinasabi mo na ang ganyan. Para kasing kinukondisyon mo na ang tao na ikaw ang iboto as early as now.

Walang halong kaplastikan mga 'teh, 'di ko man siya bet noong una eh mukhang malinis naman siyang pulitiko. Gandang ganda nga ako sa City Hall ng Makati eh. Hindi ko lang talaga feel ang 'maagang pangangampanya'.

Speaking of maagang pangangampanya, napansin niyo bang very visible na ang ilan sa mga personalidad na tatakbong senador next year? Malayo pa ang campaign period pero ramdam ko na sila. Nakikisawsaw sa iba't ibang isyu ng bayan. Isa sa kanila eh may bonggang billboard sa EDSA. Well, well, well, for sure mas dadami pa 'yan sa mga susunod na araw. Abangan.

1 comment:

  1. it doesn't mean na nagwa nya makati magagawa nya sa buong pilipinas un!, mahirap ata mangyari un sa buong pinas.. nagkataon lng na nasa makati ang central business district, kaya mukang napka unlad nila kung titingnan...... yes ako mejo na turn off ako nagpahayag agad sha ng pagka kandidato bilang pangulo...

    ReplyDelete