Nakakabahala naman ang sunud-sunod na balitang demolisyon sa Parañaque at Quezon City. Nauna noong Lunes ang Silverio Compound kung saan isang buhay ang nasawi dahil sa marahas dispersal. Bali-balitang SMDC ang nakabili ng lupa kung saan magtatayo sila ng gusali. Todong dineny naman ni Henry Sy Jr. ang paratang pero may papeles na nakuha ang mga residente na dapat by June 2012 ay ready na ang lupa para umpisahan ang proyekto ng NHA/SMDC.
Dito naman sa QC ay nakatakda na rin ang petsa ng demolisyon sa mga informal settlers ng Doña Nicasia Subdivision bandang Commonwealth. Ilan sa mga residente ay nagbarikada noong isang araw sa harap ng Quezon City Hall.
Noong isang linggo naman, nasunog ang ilang kabahayan sa may Agham Road malapit sa TriNoMa. Nasunugan man, pinili ng mga naapektuhan na 'wag lisanin ang kanilang pwesto. Magtatayo na lang daw sila ulit ng panibagong matitirhan. Ayon sa balita, Ayala Land naman daw ang nagbabalak umangkin sa mga lupa at gagawin daw business district. HUWAW! Sa Montalban, Rizal ang relocation site at hindi man lang sa parehong siyudad. KALOKA!
Simula nang malipat ako sa public school noong ako ay Grade 5, nagkaroon ako ng mga kaibigan at ka-klase na nakatira sa skuala lumpur. Hindi man ako natira sa ganoong lugar, alam ko ang hirap na kanilang pinagdadaanan. Nariyang hindi makapasok ang ilan sa aking mga ka-eskwela dahil na-demolish ang kanilang bahay. Ang iba ay nasangkot sa batuhan para lang ipaglaban sa kanilang tinitirhan. Sa murang edad, natuto na sila kung paano protektahan ang lugar kung saan sila nagkamalay.
Andiyan na tayo sa konseptong parte ng pag-unlad ng isang lungsod ang magagarang imprastraktura. 'Yun nga lang at 'di maiiwasang may masagasaan dahil hindi naman bakanteng lote ang balak nilang gawan.
Noong panahon ng Kastila at Amerikano, may malinaw silang konsepto para sa city development ng ating bansa. Ngayon kasi na hati-hati na ang lungsod, kanya-kanya silang plano kung paano pauunlarin ang kanilang nasasakupan. Kebs sa mga taong maapektuhan pero kapag malapit na ang halalan, walang demolisyon na mababalitaan. Aawitan muna sila ng matatamis na pangako kapalit ng kanilang boto. Kapag winerva na, talo-talo na!
Sa EDSA nga lang, halos tabi-tabi na ang mga bonggang condo units na itinatayo ng SMDC, Ayala Land, GA atbp. Para ngang sinasakop na nila ang highway eh. Wala nang lugar if ever na magkaroon ng road widening ang pinaka abalang lansangan sa Kamaynilaan. Hindi na ako magtataka kung balang araw eh sina Sy at Ayala na ang may ari ng NCR.
Sorry mga shupatids, pero wala talaga akong ka-amor-amor sa mga urban poor/skuala lumpur na yan. Hindi naman sa nilalahat ko, kadalasan kasi sa kanila tamad; dapat nga alisin na sila kasi pag-in-allow sila na mag skuala lumpur parang tino-tolerate natin ang katamaran. Tapos ung next generation nila e iisipin na ok lang mag skuala lumpur so never ending cycle na yan. Eh yang mga skuala lumpur pa man din ang pinaka madami maganak! Juice ko po pigilan ang pag dami nila!
ReplyDeleteAt tungkol dun sa "baka Sy at Ayala na ang may ari ng NCR" e well mas nanaisin ko na na mga Ayala ang magpatakbo ng Kamaynilaan kesa sa mga politiko. Lahat kasi ng politiko lalo na ung mga Mayor feeling urban planners; kaya muka tuloy chopseuy ang NCR e tulad na lang nung mga street lights sa Manila, parang Voltes V ang peg! Yuck! e kung Ayala Land yan may konsepto ang desinyo at functional pa; ang mga Ayalas ay kilala sa pag-gawa ng "master plan" at meron silang magandang track record ha. Imagine ra-rampage tayo sa Manila tapos every corner e mala-Greenbelt! Todo sa Bongga! Chararat!!!
Kung taga Kuala Lumpur sila di umuwi na lang sila sa Malaysia. Kung kuala naman balik na lang sila sa Oz. Bakit kasi tirik ng tirik sa lupa ng may lupa tapos magagalit at maghuhuramintado pag pinaalis. It's the duty of the government to sits this people permanent place to live with peace and quiet . A lot of them are professional squater I heard.
ReplyDelete"
Agreed ako sa first commet.
ReplyDeletein fairness tama ung mga naunang comment.. kung emosyon paiiralin natin, walng mangyayari.. sa mga maunlad na bansa di ba ganyan din ginagawa sa mga skuala lumpur. kung ayaw mo mangyari yan, kahit kulang sa edukasyon pagisipan mabuti ang buhay.. magsikap.. fight..
ReplyDeletekahit san mo kasi tignan, wala silang laban at mali..
at sila sy at ayala, we have to be thankful to this people dahil patuloy pa rin ang pagpapatayo nila ng mga gusali na isang halimbawa ng kaunlaran..
pak!!
Masyado naman kasi malaki ang binibigay na focus sa Manila, lahat na dito na nilagay. Kung mapapansin nyo marami sa business districts sa Pilipinas nasa Manila at kokonti lang sa mga probinsya kaya natural na magdagsaan lang ang napakaraming tao dito. Ang resulta tuloy sobrang congestion at mga pagsusulputan ng mga informal settlers na yan.
ReplyDeleteSana maiisipan naman ng gobyerno na mag decentralize. Magtayo o gawing moderno ang industriya ng bawat region para hindi na magdadagsaan lahat ng tao sa Manila para sa trabaho.
agree with Dean
ReplyDeleteacshuwali, ito rin ang iko-comment ko talaga.
ReplyDeleteManay, kung ikaw ay may-ari ng lupain, pinagplanuhan mo na may itatayo ka dito, pero hindi mo pa alam kung ano, at pinagiipunan mo pa, tapos nagising ka isang araw na may nakatira na dun at never daw silang aalis, at babatuhin ka ng bato, at hindi rin sila magbabayad, at nakita mong nakahilata lang si dodong habang nanganganak nang nanganganak si misis, at nagpapaupa pa ng kung sino sino at sila ang kumikita, ano sa tingin mo ang gagawin mo? maaawa ka sa kanila at isasantabi mo ang plano mong tayuan ito ng pangarap mo? Manay, isip isip din. Karamihan sa mga iyan hindi talaga taga maynila. Mga napadpad lang sa kung saan. Sana dun na lamang sila sa probinsya nila magtrabaho at mamuhay ng simple, kesa nakikisiksik sila dito sa maynila. Or kung marelocate man sila sa montalban rizal, why not, e di paunlarin nila ang sarili don. atleast legal na ang tirahan nila diba?
-Teh Anonymous April 27, 2012 12:42 AM, bet ko 'yang rarampa tayo sa Manila ala-Greenbelt ang style. BONGGA! I agree din sa "chopseuy" look ng Metro.
ReplyDelete-Teh Dean, kurek ka diyan! Super congested na nga ang NCR pero dito pa rin sila nagfo-focus. Ayan, polluted na tuloy ang ating siyudad :(
Teh RJ, malinaw din ang punto mo. Kung sino pa nga ang nasa skuala, yun pa ang sandamakmak ang junakis. KALOKA!