Thursday, August 19, 2010

Boybands

Nasa unang baitang ako nang aking "pagdadalaga" ng bonggang mauso ang mga boybands. At dito ko nakilala ang mga lalaking nagpa-awit sa aking bubot na pukelya este puso pala.

Jimmy Constable, Lee Brennan & Spike Dawbarn
911 ang nakauna sa akin. Grade 6 ako nang mahumaling nang husto kay Lee Brennan, ang kanilang lead singer. Lalake pa yata ako nung Grade 5 kasi may crush ako sa section 2 na Esperanza ang name. So bale after one year pa bago ko natuklasan ang paraiso ng mga adan. Ang MTV Asia ay nasa Studio 23 pa noon at todo antay talaga ako sa kanilang music videos kahit galit na si mother dear dahil gusto nang ilipat sa ibang istasyon. Pumunta sila ng Pilipinas 1998 or 1999, basta first year high school ako to promote their Moving On album. Nag-mall show sila sa SM North at napilit ko si Zoe Marie (classmate ko) na samahan ako para manood. Kaya naman after ng Earth Science class namin, dali-dali kaming sumugod sa event . Buti't sa Cubao lang location ng school namin. Deadma kahit naka-uniform at backpack pa, basta masight lang ang first love ko.

Bryan McFadden, Nicky Byrne, Mark Feehily, Shane Filan & Kian Egan
After ma-disband ang 911, agad na nalipat ang atensyon ng bata kong puso kay Shane Filan ng Westlife. Wala yata akong pinalagpas na songhits mapa-imported man o local, basta may poster or article about them, bibilhin ko. Todong trade pa kami ng mga classmates kong sina Princess at April ng mga cut outs. Kung may budget na mas malaki, sa Booksale ang journey ko. Pressured din ako na makaipon ng 140 or 150 peysosesoses para mabili ang cassette tape version ng album nila on its first week release.

Lee Ryan, Duncan James, Antony Costa & Simon Webbe
Then Blue came in to my life. It was 2001 when Lee Ryan stole my heart from Shane but not the entirety of it (ambisyosa level 1). Nalito ang puso at nahati atensyon ko sa kanilang dalawa (ambisyosa level 10).

But just like any other feelings (feelingera!), ito'y nawala at dinala ng hangin sa paglipas ng panahon. Westlife still makes music while Blue is back in studio to record a new material. I just hope that 911 will make a comeback and make beautiful music.

3 comments:

prettyboiofbulacan said...

hot pa din ba c lee ryan hanggang ngayon??... o mashunda ng tingnan?

Melanie said...

hot na hot pa din siya just like before... mukhang makikipagbalikan ako sa kanya... ahahaha!

Anonymous said...

mas gwapo po si duncan james...haha aq din naala q nung high school ko may cassete tape aq lahat ng album ng blue... nanuod aq ng concert nila sa araneta

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...