Wednesday, August 25, 2010

Mali

First periodical exam ng pamangkin ko na nasa Grade 3 at meron silang provided reviewer from their teachers. Siyempre, bilang dakilang uncle eh kailangan ko siyang i-review para naman kahit papaano at maipasa niya ang mga exam. I was browsing his Science reviewer at may mga questions na hindi ko alam ang sagot. I asked him kung may Science book siya and he said walang binigay sa kanya. Yung ibang classmates daw niya ay meron. Intiendes ko na kinulang sa supply ng Science book ang public school na pinapasukan niya. Sinabi ko na lang na bibilhan ko siya ng libro.

So went ako last Sunday sa aking shopping haven Recto slash Quiapo slash Avenida slash Isetann. Pumunta muna ako sa suki kong bookstore at nagtanong ng pinakamurang Science book na pang grade 3. Pero mahalya fuentes ang kanilang tinda kaya naman ni-refer niya ako sa mga nagbebenta sa bangketa. Oo nga naman. Kung gusto ko ng murayta avenue, dun dapat ako. Paglabas ko, ask ko kaagad si kuyang tindero kung meron sila nung libro.
"Public or private?" tanong niya.

"Yung pang private po. Wala naman po kayong pang public di ba?" litanya ko.

"Meron" sagot niya.

"Magkano?"

"100 sa public at 120 sa semi-private"

"Sige patingin ako"
Nakipagtawaran portion muna aketch pero matigas si kuya sa suggested retail price. Umalis siya sa kanyang pwesto at pinag-antay ako ng hindi naman lalagpas sa limang minuto. Mukhang dinayo pa niya sa ibang pwesto yung mga libro.
Pagkabalik niya, sinipat sipat ko muna yung mga libro. May pagkakapareho at pagkakaiba sa topics ang dalawang libro. Nag-isip muna ako kung ano ang kukunin at napagdesisyonan kong bilhin yung pang public. Natawaran ko ng 90 pesos.
"May nakulong na akong kasamahan sa pagbebenta ng ganitong libro" habang pinaplastik niya ang libro.

"Eh bawal ho ibenta yan eh"

"Dapat unahin nila yung sa taas"
Hindi na ako nakipagdiskusyon pa at inabot ko na ang bayad.

Kaya naman pala hindi nabigyan ng Science book ang pamangkin ko at kinukulang ng book supply ang mga public schools sa Pilipinas, may mga taong walang pusong inilalabas ang mga libro at ibinebenta ng palihim. Sana naman ay makarating sa DepEd ang isyung ito at maaksyunan nang husto. Nakasalalay dito ang kinabukasan ng kabataang Pinoy.

Mali man ang pagbili ko sa naturang libro, ang magagawa ko na lang ay i-donate ito sa eskwelahan pagkatapos ng school year.

2 comments:

  1. hi, ask ko lang san banda ka nakabili? dilemma ko rin po yan. nabigyan ng science book ang anak ko pero dahil mabait ang teacher nya, kinuha sa anak ko dahil wala daw sya reference (ang ganda nya diba?!) Thanks in advance! :-)

    ReplyDelete