
Simple lamang ang kwento at wala masyadong komplikasyon. Nakakatuwa ang mga eksena nina Ike Lozada (RIP) at Kuya Germs. Madaming MTV moments sina Ate Vi at yung leading man niya na si Romeo Miranda. Uso pa kasi noon ang harana sabi ng mother ko. Ngayon, korni nang maituturing ito.
May na-realize ako sa panonood ng Dyesebel. Ibang-iba na ang kalidad ng pagsasalita natin sa ngayon kumpara noon at ang mga kaugaliang Pinoy na dapat pinagyaman ay nabaon na sa limot. Nakakalungkot man isipin ngunit totoo.
No comments:
Post a Comment