Dahil sa rest day ko kahapon sa trabaho, sinamahan ko si mother dear sa Capitol Medical Center for her check up. Juice ko day! Todo sa haba ang pila. Number 21 or 23 yata kami at si number 6 pa lang ang natatawag. Estimate ko eh mahigit kumulang isang oras si doktora sa isang pasyente kaya napagpasyahan namin ni mother sa ibang hospital na lang pumunta. Since hapon na, resched na lang next week same day pero hindi na same hospital.
Nauna na siyang umuwi sa bahay at ako naman at dumaan muna sa Quiapo church para magsimba. Dahil sa weekdays, 5PM pa ang misa. Alas-kuwatro pa lang nang hapon kaya naman bumaba muna ako ng Morayta para dumaan sa Recto at tumingin tingin nang libro. Napansin ko si aleng tindera na kinikilan ng tindang hotdog sandwich. Pinipilit niya yung tambay na bayaran ang kinuhang paninda pero hindi siya pinakinggan. Kapal nang mukha ng hayup na tambay! Naawa ako dun sa tindera dahil bukod sa matanda na, magkano lang naman ang tubo niya sa paninda at may isang hayup pa na hindi nagbayad sa kanya. Diretso sa impyerno ang walanghiyang ‘yun for sure.
Pinuntahan ko ang bookstore na nagtitinda nang paborito kong libro pero walang bagong nobela ang paborito kong awtor. Punta ako nang National Bookstore. Nag-ikot ikot at medyo nagtagal sa kakatingin pero wala akong nagustuhan kaya napagpasyahan ko nang pumunta sa simbahan.
On my way, nadaanan ko ang isang stall kung saan may nagtitinda ng mga original CD’s half the price. Mga bago at hindi pa nabubuksan. Balak ko sanang bumili ng old albums ni Kylie pero walang available. Super search ako sa stack of CD’s na nasa harapan ko. Halos malunod ako sa dami. May mga DVD’s din. Hanggang sa nakita ko si Lady GaGa. Tinanong ko si ate kung magkano. 250 daw. Bongga! Morayta avenue to the max. Pero sinumpong ako ng kakunatan ko kaya mega tawad ako. Sabi ko 200 na lang. 220 na lang daw sabay tanong kung ilan ang kukunin ko. Isa lang sagot ko. Ayun! Nabili ko ang The Fame sa halagang nais ko. Perfect! Dagdag sa koleksyon ko.
Pumasok ako sa simbahan nang hindi pa nagsisimula ang misa. Sakto para maka-usap ko si Hesus. Sa totoo lang mga shupatemba, feel na feel kong magsimba kapag hindi masyadong matao ang simbahan. Mas nakakapag-focus ako sa misa at hindi masyadong mainit. Sabi ni Father sa homily “It pays to be obedient”. Swak na swak para problema ko sa opisina. Kung matututo lang daw tayong sumunod, ligaya ang babalik sa atin. Tamaahh! So from now on, I’ll try my best to be obedient. I’ll not promise anything pero susubukan ko at iyon ang mahalaga.
Pagkatapos ng misa, pumunta muna ako sa National Bookstore sa Avenida near LRT station. Sa wakas, may napili akong libro. Pagkabili ko, napagdesisyunan ko nang umuwi dahil pasado ala-sais na nang gabi.
Sakay nang jeep pabalik nang Quezon City, napansin ko si lola sa aking tabi na nagrorosaryo. Likas talaga sa ating mga Pilipino ang pagiging relihiyoso. Bumaba si lola sa Pantranco at nagpatuloy ang biyahe ng jeepney. Medyo mabagal ang takbo dahil sa rush hour pa. Pasado ala-siete na nang gabi. Habang binabagtas namin ang kahabaan ng Quezon Avenue malapit sa Delta, biglang nag-menor si mamang driver sa kaliwa. Bumilis ang takbo ng sasakyan at napunta kami sa gitna nang kalsada. May narinig akong tili at pag-aalala. Napuno ako ng pangamba ngunit nanatili akong tahimik.Laman ng isip ko ang aking pamilya. Nawalan ng preno ang aking sinasakyan. Alam kong titigil din ito at hindi Niya kami pababayaan. Naisip kong maaring bumangga ang aming jeep sa fink fence ng MMDA. Nasanggi na namin ang mga tanim na bonggangvilla at umakyat na sa gutter ang aming sasakyan. Natatakot akong baka bumaligtad ang jeep at masaktan ang karamihan sa amin. Sa wakas, huminto ang aming sasakyan (thanks to ex-chairman Bayani Fernando's fences). Walang nasaktan sa mga pasahero at higit sa lahat, hindi nangyari ang inisip ko. Dali-dali akong bumaba at sinabi sa mga pasahero na magsibabaan na rin. Saktong may jeep sa gitna ng daan na parehong ruta kaya sumakay na ako kaagad.Nakauwi ako pagkatapos nang ilang minuto.
Ito na ang pangalawang beses kong nakasakay ng jeep na nawalan ng preno sa taong ito. Abot-abot ang pasasalamat ko sa Kanya at hindi niya ako pinababayaan. Binigyan pa Niya ako nang isa pang pagkakataon para mabuhay sa mundo kaya naman hindi ko ito aaksayahin. Patuloy akong magiging isang mabuting alagad at pahahalagahan ang bawat araw na Kanyang regalo para sa akin.
patunay lamang ito na hindi ka masamang tao kapatid
ReplyDeletemay plano Siya para sa yo
ngunit hustong pag-iingat pa rin
you can never can tell
Naks! Feel good na entry. :)
ReplyDeletei like!
ReplyDelete