Monday, February 28, 2011

Pinaghandaan

Good morneng mga 'teh! Maaga na ulit ako magpo-post simula ngayon dahil pang-umaga na ang byuti ko sa trabaho. Fresh air pa ang malalanghap ko sa kahabaan ng EDSA at Ayala Avenue. CHAREEENGGG!!!

Alam niyo naman na fan ako ni ateh Christina Aguilera. Medyo sablay nga lang siya nitong mga nakaraang araw. Matapos ang kanyang flop album at failed marriage, sumemplang siya sa pagkanta ng national anthem ng US of A, at nalaglag pa sa stage after her Grammy performance. Tapos tumaba pa siya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi malungkot. Anyways, lab lab lab ko pa rin siya no matter what.

Hindi ako nagkaroon ng chance mapanood sa sinehan ang Burlesque dahil sa todong kabusyhan sa work. Wala rin akong mahatak para makasamang manood. Kaya bago ako mashorlogs kagabi, winatch ko muna ito.

Ang kwento ay nagsimula kay Ali Rose (Christina Aguilera) na pumunta ng LA para makipagsapalaran. Sa kakalakad para maghanap ng trabaho, napadpad siya sa bankrupt na burlesque bar ni Tess (Cher). Dito siya nagtrabaho bilang waitress at kinalaunan, star ng bar.

First time umakting ni Christina sa pelikula in a bonggang bonggang role pero convincing kaagad ang acting power niya. Halatang pinaghandaan niya ng maigi. Wala naman akong masabi sa prehistoric byuti ni lolah Cher. Total performance siya sa pagkanta at pag-arte pero mas napapansin ko ang fes niya. Tataas siguro ang sales ng mga anti-ageing creams kung siya ang magiging modelo. CHARUZZZ!!!

Highlight ng pelikula ang stage performances ng main characters. Welcome to Burlesque at Show Me How You Burlesque ang mga paborito ko.

Pero may isa pa akong paboritong eksena kung saan muntik ko ng malunok ang dila ko. Eksena ng leading man na si Cam Gigandet. Luwa talaga ang eyes ko sa sarap ng nasightsina ko. Kaya kung hindi niyo pa napapanood, panoorin niyo na ng maknowsline niyo ang tinutukoy ko.

3 comments:

Anonymous said...

ang ganda ng katawan nya at ang butt exposure ang kinis ang sexy nya talaga. to think na father na sya.

patrick said...

sayng teh, kung sa manila lang ako inaya kita dati
nawatch ko xa sa sinehan, nag enjoy naman ako. worth it ung binayad ko.

Anonymous said...

gusto ko tuloy kumain ng cookies! hahaha!-loufivics

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...