Sunday, May 19, 2013

Fresh

Under Viva Entertainment na pala ang Asia's Diamond Soul Siren. Hindi yata naging bongga ang deal niya with Universal Records kaya after a year, lumipat siya ng panibagong record company. Wala nga akong naramdamang impact sa Stay Alive album niya eh. Sayang. Pero at least hindi siya huminto sa paggawa ng musika at mas napaganda pa ngayon. 

Nakakuha ako ng kopya ng bagong album ni Nina entitled All Good sa suki ko sa Cartimar. 12 songs with 1 bonus track. Eto na yata ang album na may pinakamarami siyang Tagalog songs with a total of 5. Nakakapanibago in a good way kasi mas masa ang dating. Hindi mawawala ang revivals niya. Pinakapaborito ko ang rendition niya ng Mahal na Mahal Kita na original ni Archie D. Perfect din ang version niya ng Perfect by True Faith. Tapos ni-record niya rin ang Tagalog version ng I Still Believe in Loving You ni Sarah Geronimo. Bonus track ang Don't Say Goodbye, ang movie theme ng A Secret Affair. Overall, fresh at satisfying ang bago niyang album.

Rating: 4/5 stars

2 comments:

Anonymous said...

Naremake na yata ni Regine ang song na MAHAL NA MAHAL KITA ni Archie D. sa kanyang Covers vol. 1 album nung na sa Viva records pa siya.

Melanie said...

Teh Anonymous, oo nga! Maganda rin ang version ni Asia's Songbird :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...