Tuesday, May 7, 2013

Resulta

ETO NA! Opisyal ko nang isasambulat ang resulta ng ating kauna-unahang sarbey. At talagang national isyu ang ating tinalakay, patunay lang na may boses ang 'sangkabaklaan pagdating sa ikagaganda ng bayan at pamahalaan. Narito ang labindalawang kandidato sa pagkasenador na soksi sa banga ng Tanong Lang: The Halalan 2013 edition...

Tie sa unang pwesto sina Edward Hagedorn (Independent), Dick Gordon (UNA) at Jun Magsaysay (Team PNoy) na pare-parehong nakakuha ng 'sandaang porsiyentong suporta mula sa mga vekla.

Sunod diyan si fafah Sonny Angara (Team PNoy) na may 80% na boto. Infernezzz, gusto ko rin maging senador tapos tabi kami ng upuan. Hihihi...

75% sa inyo ang bet ang byuti ni Risa Hontiveros (Team PNoy). Siya ang nanguna sa lahat ng mga babaeng tatakbo to think sa mga survey na lumalabas sa TV eh lagi siyang kulelat.

Animnapu't tatlong porsiyento naman ang nakuhang suporta ni Bam Aquino (Team PNoy). Wala ako masyadong alam sa kanya bukod sa kamag-anak niya ang pinuno ng ating bansa. I have to research more about him.

Rambol sa ika-pito hanggang ika-siyam na pwesto sina Grace Poe, Antonio Trillanes at Alan Peter Cayetano na nasa iisang partido (Team PNOY). Tigsi-60% sila. Lakas ng partidong 'yan ah! Dinodominate ang survey natin.

Ayaw paawat sa 10th at 11th spot sina Migz Zubiri (UNA) at Jamby Madrigal (Team PNoy) na parehong may 50% na OO mula sa inyo. Basta ang alam ko, ex-jowa ni Vina 'yung isa at masarap ang jusawa ni madam. Sana sa akin na lang niya ibigay ang iPhaaad. CHARUT!

Sabit sa dulo nang ating sarbey ang junakis ni Erap na si JV Ejercito (UNA) na may cuarenta y ocho porsiyento na boto. From Erap to Loi then Jinggoy and now JV, ganyan kaya ang pattern na magaganap sa senado?

Bongga ng resulta de vaaahhh?! Salamat sa todong suporta mga 'teh! Ilang buwan din tumakbo ito at talagang overwhelming ang responses niyo. Abangan na lang natin kung sinu-sino sa kanila ang papalarin sa susunod na linggo. Hanggang sa susunod na sarbey mga 'teh!

*Photos courtesy of GMA News Online

4 comments:

  1. Nice list Bb. Melanie. I may vote majority of the above candidates.

    I met Ms Risa last year and she is really a beauty. She could've been a beauty queen in her younger years. :-)

    Kepp it up!

    ReplyDelete
  2. Thank goodness walang Nancy Binay- goes to show na the followers of Miss M (or at least those who participated in her survey) are the intelligent type and not those who are easily swayed by a candidate's visibility in TV. #justsaying

    *juan uwagan*

    ReplyDelete
  3. Sana pinagisipan ng mga bumuto kung bakit pumasok ang may name n ("po"
    yan aka lan yan bahala kayo kung cno yan)kc bat q buboto yan... ibonoto ko yan kung itinaas din ni lovy poe ang kamay nya tanda ng tinatangap nya ang anak sa labas ng tatay nya.

    ReplyDelete
  4. bokya si ate risa.di pang-senate ang byuti nya. pang-condom lang:)

    ReplyDelete