Monday, May 6, 2013

Nasilip

Patapos na ako sa The Perks of Being a Wallflower nang mabayla ko ang librong Mga Uod at Rosas ni Edgardo Reyes. Nung nakita ko ito sa National Bookstore, "sounds family" ang nasabi ko. 'Yun pala eh dahil sa naisapelikula din ito ng ating idol na si Ate Guy noong 1982 sa direksyon ni Romy Suzara. Kasama dito si Lorna Tolentino at ang bida ay ang yumaong si Johnny Delgado. Buti  na lang at may open copy doon kaya nasilip ko ang paunang kuda ng manunulat. Nakakatuwa kung paano naisalibro ang seryeng ito na unang nabasa sa Jingle magasin. Sana lang makahanap ako ng VCD copy ng pelikula para pagkatapos kong mabasa eh mapapanood ko naman ang movie version.

Courtesy of Video48

2 comments: