The Perks of Being a Wallflower (2012)
Mr. Mudd Productions
Written and Directed by Stephen Chbosky
Starring Logan Lerman, Emma Watson and Ezra Miller
Nang matapos kong basahin ang librong
The Perks of Being a Wallflower, alam kong dapat kong isunod ang movie version nito. Bayla akez ng dibidi at hindi ako nabigo dahil kung ano ang nabasa ko, walang pinagbago sa napanood ko. Sabagay, ang author ng libro ang siya rin gumawa ng screenplay at nag-direk ng pelikula, si
Stephen Chbosky. Ang gumanap na
Charlie ay si
Logan Lerman na todo sa kakyutan. Si
Emma Watson ang pumapel na
Sam at si
Ezra Miller naman si
Patrick.
|
"I just wanna make sure that the first person that kisses you... loves you." |
Feel-good ang pelikula kasi buhay high school ang tinalakay. Kung paano makikisalamuha sa unang araw ng pasukan, sa mga bagong tao na makikilala at makakasundo pati na rin sa mga makakabanggaan. At mawawala ba naman ang feeling nang unang love? Siyempre wititit kaya bet na bet ko itiz. Makakarelate din ang ilan nating shupatids lalo na 'yung mga nakaranas ma-inlove at masawi noong kabataan nila. Beks kasi ang character ni Ezra. Nalerki nga akez at may kissing scene sila nung bida. Wholesome kiss lang naman so keri pa rin. Kakakilig ang tandem nina Emma at Logan. Favorite ko 'yung eksenang natulala si ohms sa kagandahan ni girl. Haaayyy, sarap ng young love ♥
Rating: 5/5 stars
No comments:
Post a Comment