Habang inaantay natin ang proklamasyon ng mga nanalong senador at isa-isa nang nalalaman kung sino ang mga nagwagi sa kani-kanilang distrito at bayan, balikan natin ang karanasan sa Halalan 2013 kahapon.
Medyo nabawasan ang dami ng tao pero usad pagong ang pila. Sa isang PCOS machine kasi eh mahigit limang presinto ang gumagamit. KALOKA! Limited din ang marker at upuan kaya ♫ kay tagaaal at para bang ako'y mababaliw ♪ ang theme song kahapon.
Pasado ala-una na ng tanghali ako nakababa ng unang palapag. Nung ako na ang bibigyan ng balota, ang echuserang guro eh kinalabit pa ang kapwa guro niya na busy sa paglalagay ng indelible ink. Tsinismis pa akez at sinabing...
"Lalake 'to. Akala mo minsan babae..."
Flattered naman akez kahit parang joke lang. Pagkabigay ng balota at folder, umupo na ako at sinimulang bilugan hanggang sa maitiman ang bilog sa tabi ng napusuan kong kandidato. Walong itlog ang aking nalimliman... anim na senador, isang konsehal at isang party-list. Inisip ko sayang naman kung 'di ko kukumpletuhin ang doseng senador, mayor, bise, kong at konsehal pero biglang kabig ng kabila kong isip. Mas sayang kung iboboto mo sila tapos wit ka naman naniniwala sa kanila. At diyan nagtatapos ang alamat ng walong boto.
CHAREEENG!!!
CONGRATULATIONS!
'Yan ang sabi ng PCOS machine. At saka ako nilagyan ng indelible ink.Rampa muna ako sa labas ng school at kumain ng fishball, kikiam at chicken balls. Pumwesto ako sa tabi ng madaming pulis. Naintriga ako dun sa isang nakayuko. Ang laki ng braso at nung tumingala, AY! dito ako kakain sa tabi niya. Bet ko sana siyang nakawan ng pica kaya lang baka makita ako ng mga kasama niya. Baka sa ibang presinto ako pulutin hihihi. Kaya nagkasya na lang ako sa panakaw na sulyap na obvious na obvious dahil habang kinakagat ko ang mainit na chicken balls eh sa balls niya ako nakatingin. CHARUT!
At para tapusin ang kalandiang ito, Buko juice ang pumawi sa 'uhaw' ko...
Tarrray!
ReplyDeletesayang Ate M! bet ko din sanang ma-sight si mamang pulis na matulis..lol
ReplyDeleteas always..aliw much na naman aketch..wala ka talagang palya, teh!! ;)