Wednesday, September 24, 2014

Masungkit

Just like what happened in 2012, ako'y muling mawawalan ng trabaho. Not because I resigned but magsasara ang kumpanya. I can't remember the exact reason why. Sinabi naman sa amin pero naka-focus yata ako kay crush nun kaya witchels ko na maalala. Nakakalungkot kasi 'di ko na siya makikita everyday. Ahahaha! Mas inalala ko pa talaga 'yon de vaaahhh?!

Hanggang diyan lang ako kay crush kasi shy me
Expected na emo ang mga ka-officemates ko. Karamihan sa kanila eh pers taymer sa ganito. Oh well, ang payo ko eh masasanay din kayo. Pangatlong beses ko na 'to eh. Teka, ang lakas ng ulan sa labas. Kanina lang medyo mainit. At kapag ganito ang panahon, pumapaltik ang signal ng Sun broadband kez. Sana lang maipost ko pa ito.

BTW, may bagong kanta si Sarah Geronimo. Matapos niyang umikot-ikot eh tatahak daw siya ng kilo-kilometrong layo. Pa-ul-ul ko ngang pinakikinggan. Feel na feel niya ang pagkanta. Para siguro kay fafah Matteo. Aba! Kung ganyan kasharap ang jowa mo, mapapamarathon ka talaga ng 21K. Kaya lang ang tipid nilang mag-post ng pics. Nakakakilig pa man din sila. Hopefully they'll be more open in sharing happiness with their fans.


Oh siya, mag-apply pa ako online ng susunod kong trabaho. Bet ko sanang maging maid in Manhattan o janitress sa House of Windsor. Baka sakaling masungkit ko si Prince Harry kung maglilinis ako ng nakaganitey...

4 comments:

Edgar Portalan said...

For sure naman na madali ka lang makakahanp ng bago mong ideal work he he he ... goodluck : )

MC Wright said...

ahahaha! katawa ka talaga ateng :P Hala :( paano ka na niyan? Whishing you all the best, sana makakuha ka agad ng bonggang work! <3

RoVee™ said...

parand hindi naman cuteness ang crush mo, chaka ng back hahaha charaught lang teh lol

well goodluck na lang sa job hunting teh, nawa'y makamit mo ang pangarap mong maging MilkMaid.. charot! ^_^

Melanie said...

-Teh Edgar, I really hope so. Bawal mabakante at magpapasko pa naman.

-Teh MC, eto nganga muna akez. Maghahanap ng majojowang afam ahahaha!

-Teh RoVee™, areeeyyyy!!! 'Wag ka namang magsalita ng ganyan kashi nashashaktan ako :D

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...