Courtesy of Jacque Manabat's Instagram |
Nakita ko siya kanina habang sakay ako ng jeep. Good thing nakuhanan siya ng litrato ng isang ABS-CBN reporter. Lakas maka-agaw ng pansin sa katanghaliang tapat ng bright blue kariton niya. And what struck me most was his disability and how he managed to push the cart. Tinutulak niya ang kariton gamit ang kaliwang binti habang hawak niya ang saklay sa paglalakad. Pataas pa man din 'yung daan so I guess it was a little hard for him. Dapat nasa tamang balanse or else baka tumagilid sa daan. Nasa gilid pa man din siya ng highway.
Saludo ako sa simple at payak niyang pamumuhay. Minsan ang reklamo ko sa buhay. Gusto ko ng ganyan, gusto ko ng ganito. 'Di ko na naaappreciate kung ano ang meron ako. Naka-focus sa wala at kung paano ko 'yun makukuha. Moments like this makes me realize that I have so much in life.
Daig din niya ang mga walanghiyang nakakalat sa daan at nakaupo sa pwesto. May dalawang kamay, may dalawang paa na ginagamit sa pansariling kapakanan. Pinapairal at kabuktutan ng kaisipan.
At sa'yo kuya, kung nasaan ka man sa oras na ito, nawa'y dumami pa ang bote garapa mo. Araw-araw ka sanang pagpalain ng Maykapal. Nakakatulong ka pa sa pagbabawas ng plastic na maaaring maging sanhi ng pagbaha. You're such an inspiration ♥
So nice. I love it. So inspiring. Lumalambot ang puso ko sa mga ganyang tao na kahit may physical disability, tuloy pa rin ang buhay at nagsisikap. Ayokong kaawaan sya kasi maybe he's doing his best like hindi kailangang maawa or sonething like that, like ang arte ko puta... but seriously, saludo ako sakanya na go go go lang kahit mahirap.
ReplyDeleteDaig pa niya ang manga tambay sa kanto, ang laki nang katawan nila pero inuman at yosi lang ang ginagawa.
ReplyDeleteThank you po ng marami sa magagandang blogs niyo.. all are inspiring, realistic and good source of education and teachings..
ReplyDelete