Wednesday, September 17, 2014

Rebolusyon

"RISE AGAINST CORRUPTION,
RISE FOR SYSTEM CHANGE!"

'Yan ang sigaw ng One Billion Rising movement as I attended their press launch last Monday at the Gabriela House in Quezon City. Eto ang una nilang pagpaparamdam sa publiko para sa kanilang ikatlong taon na may temang rebolusyon.

Led by One Billion Rising Global Director Monique Wilson, hiling nila na tayo ay muling makiisa sa protesta laban sa systematic inequalities and injustices na bumibiktima sa kababaihan.

Ayon sa Gabriela, ang partylist na sumusuporta dito, patuloy na dumadami ang mga babaeng nakakaranas ng pang-aabuso lalo na sa ilalim ng pamumuno ni PNoy. 1 out of 3 ang sinasaktan o 'di kaya'y nagagahasa. Puro lang daw kuda si PNoy tungkol sa women's rights and gender equality pero nganga sa aksyon ukol dito. Isang malaking TSEK!

Kaya sa February 14, 2015, may ka-date ka man o waley eh hinikayat tayong sumayaw, kumanta at makiisa para sa malaking pagbabago laban sa corruption, injustices and violence against women, discrimination and system change.

For more information, please visit their official website: www.onebillionrising.org
Follow them on Twitter: @Vday
Like them on Facebook: www.facebook.com/OneBillionRisingPhilippines

4 comments:

  1. Paano makaka one billion eh nasa 100+ million lang ang population ng pilipinas?

    ReplyDelete
  2. Teh it's a global campaign so 'di lang tayo ang kasali.

    ReplyDelete
  3. Kaloka ka Te! Worldwide nga eh.

    ReplyDelete
  4. Hahahaha ang shunga nung nagcomment na paano daw mag one billion eh 100 million lang populasyon hahahaha halatang hindi inintindi ng mabuti hahahahaha. Thanks for the laugh teh hahahaha

    ReplyDelete