Pagoda coldwave lotion (ginagamit niyo pa ba ito?) ang byuti ko kahapon dahil limang Segunda Mana branches ang nirampahan ko - Monumento, Sta. Lucia, Riverbanks (2), at Ali Mall. Nagbakasakali ako dahil panaka-naka ay may nagdo-donate sa kanila ng physical media. Sa mga hindi nakakaalam, ang Segunda Mana ay isang programa ng Caritas Manila upang makatulong sa mahihirap. Ang mga in-kind donation na natatanggap ay ibinebenta sa mga outlet at ang kinikita dito ay nagiging pondo ng iba't ibang proyekto. Morayta lang ang benta nila sa mga cassette tapes, CDs, VCDs, at DVDs. Dati ay sampung piso pero ngayon ay nasa bente pesos na. Wit na masama dahil mapupunta naman sa magandang hangarin ang ating ibabayad.
Kahit parang makakalas na ang tuhod ko kalalakad, hindi naman ako nabigo dahil nakabuyla ako ng tatlong DVD at dalawang VCD. Isa diyan ang rare copy ng May Pag-ibig Pa Kaya? movie ni idol Juday. Kasama niya dito sina Gladys Reyes, Matet De Leon, at leading man si Luis Alandy.
Bukod sa nabanggit, may mga damit, appliances, bag, sapatos, maleta, lamesa, aparador, kuna, stuff toy, at planners din na binebenta. May pagkalaki-laking treadmill pa nga! 'Yung ibang items parang old stock na galing sa department store. May mga libro din tulad ng textbooks, children's book, at pocketbooks. 'Di ko lang napansin kung mayroon silang kopya nitong binabasa ni daddie Gary Estrada...
No comments:
Post a Comment