Wednesday, October 6, 2010

Sulat at Payo

Dear Bb. Melanie,

          Follower po ako ng blog niyo. I found your blog really interesting kaya naka-ugalian ko ng puntahan ang blog niyo. Enjoy akong malaman ang mga thoughts mo about everything under the sun. At isa pa, alam kong intelehenteng tao po kayo. That's why naisipan kong mag-email sa inyo at hingin ang payo niyo sa aking dilemma. I'm currently 18 turning 19 sa January next year. Nasa college na po ako ngayon taking up BS Comp Sci at nasa 2nd year college na po ako (Medyo di ko po talaga sure kung 2nd yr na ba talaga ako T_T). May utak din naman po ako at sa 3 magkakapatid (bunso po ako) at ako ang inaasahan ng mga parents namin dahil mas matino po ako. After nung HS graduation eh nag enroll po ako sa isang university at kumuha ng BS Medtech. Naka-one sem po ako nun (6mos ata) at naipasa naman po lahat ng subjects. after nun naisipan ko pong mag-shift ng kurso dahil di ko pla tlga gusto ang Medtech. Pumasok ako sa isang computer school at nag-shift ako sa BS Comp Sci. At dun na po nagsimula ang problema ko. Mali ang napasukan kong school!!! Andami kong naibagsak na subjects dhil may mga nka away akong mga teachers at hndi ko din gusto ang mga klasmeyt ko. After a year sa school na yun ay ayoko na tlgang pumasok at huminto na ako sa pagpasok. Napagalitan talaga ako ng mga parents ko dahil sa mga bagsak ko. When I started going to college ay 17 lng ako, but now I'm going 19 pero sa tingin ko ay wala pa akong nasisimulan. Stop po ako ngayung sem at sa November na po ako ulit papasok. Hindi ko alam kung makrekredit ba mga subjcts ko at bka bumalik ulit ako sa first year! Grabe, depressed na talaga ako ngayon. Basag na basag ang pride ko dahil dati ipinagmamalaki ko pang 20 yrs old ako gagraduate. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao sa akin??? Ano na ba ang improvement ko sa 2 taon sa college??? Ma-eenjoy ko pa ba ang buhay kong 22-23 yrs old ako gagraduate? Huhuhu, lagi kong ipinagdarasal na sana sa November kpg nag enrol ako ay 2nd yr na ako. Ayokong bumalik ulit sa first year (btw, sa *pangalan ng school* po ako eenrol). Nawawalan na ako ng pag-asa ngayon sa college life ko at iniisip kong huminto na lang sa pag -aaral. Kasalanan ko ang lahat ng nangyari kung bakit nagkaganito ang college life ko. Minsan nga naiintindihan ko na kung bkit my mga nagsusuicide na tao eh. I'm really losing my hope. I lost the trust na binigay sa akin ng mga parents ko. Makakabangon pa ba ako?? Bb. Melanie I know this email may sounds funny and mababaw, but I'm really bothered by this problem of mine. Sana po bigyan niyo ako ng payo.  Fan niyo po ako at ng blog niyo.  

Thanks!

==========

Bonggang bongga naman ang kahabaan ng email mo 'teh. Well, baka ganyan na rin kahaba ang nararamdaman mong depresyon diyan sa katawan mo at willingness naman akong bigyan ka ng payo. 

Alam naman nating lahat na ang edukasyon ay isang susi sa tagumpay at walang pinipiling edad 'yan. Maaring natapilok ka sa una mong kurso at sumadsad ka sa pangalawa pero bet mo bang hindi bumangon at manatili na lamang diyan sa kinasadlakan mo?

Nung college ako, BS Accountancy ang una kong kurso pero juice koh 'day, nahilo ako sa numbers. Dagdagan mo pang may 2.0 policy sa PUP kaya naman hindi ko na inaksaya ang panahon at effort ko. Todong nag-shift watashi sa mas interesanteng kurso kung saan mage-excel nang bonggang bongga ang talent ko. Nahirapan ako noong una dahil may mga back subjects ako pero determinado akong matapos ang kolehiyo sa loob ng apat na taon. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at nag-enroll ako ng summer classes. Tiis ganda kahit walang bakasyon ang byuti ko. Isama mo pang napakainit ng araw kapag pumapasok ako. Nagbunga naman ang tiyaga at pagtitiis ko at nakatapos ako ng tama sa oras.

My college classmates preparing for a presentation
Natutuwa naman ako't nais mong tapusin ang pag-aaral mo at gusto mo nang pumasok this November. Eh ano kung 22 or 23 years old kang ga-graduate? Wala namang age limit sa pag-aaral at sa pagkamit ng pangarap mo. May tatlo akong kasamahan dito sa opisina na nagta-trabaho sa gabi at nag-aaral naman sa umaga. Sila ay sina M, K at J. Si M ay naka-graduate na last April lang sa edad na 21. Si K naman ay 20 years old at 2nd year college. Si J ay 3rd year irregular at 24 na. Never na naging issue sa kanila ang edad. Isa lang naman kasi ang gusto nila, ang makatapos ng pag-aaral.

Maraming paraan diyan sa problema mo at hindi isa sa solusyon ang pagpapakamatay. Eto ang aking suggestions:
  1. Gather all your credentials and records mula sa BS Medtech hanggang Comp Sci.
  2. Kung nakahanap ka na ng bagong school at kursong papasukan, kausapin mo ang dean or school registrar para ma-discuss niyo ang mga subjects na nakuha mo. Ipakita sa kanila ang records at tingnan mo kung pwede nilang i-credit ang ibang subjects para hindi mo na kunin muli.
  3. Mag-full load ka. Mas madaming subjects, mas magiging busy ka. Time management ang solusyon diyan.
  4. Take summer classes at i-enroll mo ang mga back subjects para hindi mo na sila isama sa susunod na semestre.
Masarap ang mag-aral lalo na't feel na feel mo agad ang success na idudulot nito para sa future mo. Determinasyon ang kailangan para makatapos ng pag-aaral. Huwag hahayaang malihis ng landas pero hindi naman masama ang mag-enjoy paminsan minsan. Nawa'y nakatulong ako kahit papaano sa iyong problema 'teh.

Nagmamasarap,
Bb. Melanie

4 comments:

  1. to the sender...

    don't loose hope sisterette!!! u know kumukuha din ako ng B.S. Computer Science ngaun at ako ay kasalukuyang 2nd irregular...

    I am already 23 so the time na ga-graduate ako ay malamang mga 26 na ako oh diba mas bongga!!!

    wag mo isipin ang sasabihin ng ibang tao... mabuti nga yun na kahit may edad ka na bago grumaduate... kesa naman mapagaya ka sa iba na sa idad mong yan ay mga propesyunal na... as in propesyunal na tambay at manginginom...

    just stay strong, true to yourself, and don't loose hope...

    everything happens for a reason...

    ReplyDelete
  2. i think ang una muna mong dapat gawin ay alamin kung ano talaga ang gusto mong gawin sa buhay mo. hindi puwedeng nakapag-enrol ka na at sa gitna ng sem, magdadalawang isip ka. sayang ang oras at datung. nakakahiya din naman sa parents mo.

    pag napagdesisyunan mo na kung ano talaga ang kursong gusto mong kunin, sundin mo ang payo ng ate melanie mo. go ka sa registrar ng school, i-present mo ang credentials mo and try to bargain. baka may mga subjects ka na puwedeng ma-credit na.

    and then, wala ka nang dapat pang gawin kundi magsunog ng kilay. tiyagain mo ang pag-aaral. yes. kumuha ka ng full load. mag-summer ka. at kung hindi mo matapos ang course mo by the time you are 20 or 21, who cares? hindi ito contest. ito ay edukasyon mo. buhay mo ito. ikaw lang ang makapagsasabi kung tama ang ginawa mo sa buhay mo. at kung sakaling magkamali ka man, bumangon ka at magsimula kang muli.

    kung nahihiya ka sa parents mo at ayaw mong dumepende sa kanila ng bonggang-bongga sa tuition mo, kumuha ka ng part-time job. makakatulong sa yo yon. pero kahit ano pa ang mapagdesisyonan mo, kausapin mo ang parents mo. wag mo itago sa kanila ang lahat. aminin mong mapurol ang utak mo sa ibang subject. hindi mo kasalanan yon. ganon lang talaga ang buhay. hingin mo ang suporta nila. hindi nila ipagkakait sa yon. anak ka nila. sino bang magulang ang hindi gustong makitang nakapagtapos ang anak nila.

    wag kang ma-depress. think of every new day as a chance to improve yourself. may chance ka pa na maka-graduate, kahit hindi sa edad na akala mong dapat ka nang nakapagtapos. basta pag trabahuhan mo.

    maghanap ka din ng mga kaibigan na aalalay sa yo. yung mga friends na mapagkakatiwalaan mo. wag yung friends na bisyo at perwisyo ang ibibigay sa yo. sa edad mo na, siguro alam mo na kung worth it ang mga sinasamahan mong friends. kung sakaling kailangan mo ng kaunting sandali para huminga at ngumiti dahil sa hirap ng pag-aaral mo, sila ang magdadala sa yo non.

    at totoo. wag muna mag-boyfriend o mag-girlfriend. that can wait pag naka-graduate ka na. focus muna sa sarili mo. alalahanin mo ang future mo ay nakasalalay sa magiging edukasyon mo.

    pero ito din ang alalahanin mo. may mga taong nagtagumpay nang hindi nakatapos ng pag-aaral. kaya wag kang mawalan ng pag-asa. mahahanap mo din ang place mo under the sun. basta hang on ka lang. wag mag-give up. ikaw din. mami-miss mo ang pagbabasa sa blog ng ate melanie mo :)

    smile!

    ReplyDelete
  3. Huhuhu! Salamat sa lahat ng payo niyo!! Gumaan na ulit ang loob ko at nagkaroon ng bagong pag asa at smile sa buhay... thank you tlga sa inyo lalo na kay Ms. Melanie!! =)

    ReplyDelete
  4. Walang anuman. Masaya ako't nakatulong kami sa iyo PrettyboiofBulacan =)

    ReplyDelete