Saturday, July 30, 2011

Pwede pa

Nostalgic ang feeling nang mapanood ko kagabi sa Munting Heredera ang 90's titilating hunks na sina Leandro Baldemor at Anton Bernardo. Naalala kong bigla ang mga pelikula nila sa Seiko Films tulad ng Patikim ng Pinya, Linggo lang ang Pahinga at Kahit Saan... Kung Pwede.

Kahit ilang taon na ang lumipas, matipuno at masarap pa rin sila. Nagmature ang kanilang itsu at wangkata pero andun pa rin ang sex appeal na nakakatakam. Pwedeng pwede pa ring magpaseksi.

Gusto ko tuloy gumawa ng movie kasama sila. May eksena na naghahabulan kami sa gitna ng koprahan habang tawa ako ng tawa at nababasa ng ambon ang manipis kong bestida. Tapos ang pamagat ng pelikula ay Talsik ng Ulan.

Alam niyo na kung anong klaseng ulan 'yan mga 'teh. ECHOS!

Thursday, July 28, 2011

Time Machine

Nakaka-crazy pala talaga ang pelikulang Crazy Little Thing Called Love. Para akong nilagay sa time machine at ibinalik sa panahon ng aking pagdadalaga. Naalala kong bigla lahat ng crushes ko nung high school.

Ang istorya ay tungkol sa young love ni Nam para kay Shone. Kinikilig ako habang tinatype ko 'to! Every girls fantasy naman kasi ang mapansin ng kanyang crush lalo na kung nuknukan ng kafogian. As the years go by, from ugly duckling ay naging isang gorgeous girl si Nam. 'Di niya alam, may lihim din na pagtingin sa kanya si Shone. Haayyy... Kilig much!

Dagdag bentahe ng pelikula ang mga nakakatawang karakter ng English teacher na si Inn. Todong nakakaaliw ang mga kilos at dialogue niya lalo na kapag nakikita ang kanyang crush na PE instructor.

Napakasarap namang panoorin sa screen ni Mario Maurer. Parang ang gusto ko eh lagi siyang nakikita sa bawat eksena. Tipo niya kasi ang level ng crushes ko nung sekondarya. Meaning, bata pa lang ako eh napaka-ambisyosa ko na. Hihihihi!

Since I can't get enough of him, lets feast our eyes to his half-nakedness...

Dalamhati

Nakapanlulumo ang hirap na dinanas ng Bicol Region dahil sa bagyong Juaning. Maraming pamilya ang naapektuhan ng baha at landslide. Halos hindi madaanan ang mga kalsada sa dami ng mga nagtumbahang puno. Rumagasa pa ang lahar na nagpalala pa ng sitwasyon.

Hindi kinaya ng puso ko ang isang pamilyang nawalan ng tatlong anak matapos lamunin ng landslide ang kanilang bahay.

Halatang hindi napaghandaan ng mga Bikolano ang bagyo. Kung maaga silang napaalalahanan sa pinsalang maaring idulot nito, malamang na 'di umabot sa 27 ang namatay (read the related article here).
Saludo ako sa tibay ng loob na pinakita ni Albay Governor Joey Salceda sa kanyang nasasakupan. Kamamatay lamang ng kanyang ina kahapon matapos madulas sa basang sahig. Hindi niya iniwan sa gitna ng trahedya ang mga Bikolano kahit siya mismo ay nagdadalamhati.

Ipagdasal natin na makabangon agad ang Bicol Region kasama na ang iba pang lugar na nasalanta ni Juaning. Nawa'y ngumiti na ang araw para sa kanila.

Wednesday, July 27, 2011

Sitaw

Imbernang imberna ang byuti ko last night sa isang customer ng mudrakels ko (mananahi si mama para sa inyong kaalaman). Sumugod ba naman sa balur namin habang naghahapunan ako ng ginisang sitaw at parang donya kung makaasta. Gustong kunin ang pinatahing damit pero ayaw magbayad. SHUPAL NG FES! 

Kahit sinong anak eh magagalit kapag nakitang tinatalakan ng 'di importanteng tao ang kanyang nanay. To the rescue ako at 'di papayag na magpaapi.
"Magdahan-dahan ka sa pananalita mo at 'wag mong pagtataasan ng boses ang nanay ko. Sagot mo ba kapag nahigh-blood siya?"
Binabaan niya ng boses ang nanay ko pero 'di ko nagustuhan ang mga pinagsasabi. Nagbayad ang luka-luka pero kulang naman kaya imbes na sabuyan siya ng malamig na tubig na aking iniinom eh pinalayas ko na lang siya...
"Thanks for your business. If you have balance, better pay for it!"
Wala daw siyang balak bayaran kaya naman hinabol ko siya sa may gate sabay talak...
"We don't need your business! GO TO HELL BITCH!"

Tuesday, July 26, 2011

Maigi

Maulan na muli ang panahon. Nakakatamad na namang bumangon sa kama para pumasok sa trabaho o eskwela. Ang sarap humilata all day long at magtalukbong ng kumot habang may yakap na malambot na unan. 

Mas maigi sana kung may katabing otoko na willing painitin ang nanlalamig nating pakiramdam. Gusto ko tulad niya...

David Sommerauer
...hinding-hindi na ako babangon sa kama. EVER!

Sunday, July 24, 2011

Tawa

Madaming movie critics ang nagsasabing 'di maganda ang launching movie ni Melai Cantiveros. May pagka-korni pa daw. Well, kakauwi ko lang from the movie house at todong iba naman ang naramdaman ko sa aking napanood. Maganda naman ito at tawa ako ng tawa sa mga eksena. Hindi maiiwasan na magkaroon ng mga korni scenes na normal naman sa mga pelikulang Pinoy. 

Refreshing mapanood ang bagong breed of comedians like Bekimon. Nakakatawa ang mga kontrabida eksena niya using bekimon language. Napaka-cute at charming sa screen si Jason Francisco samantalang si Melai ay talagang ipinanganak para sa komedya. Aliw din ang special participation ni Pokwang bilang nanay ni Melai. Sumakit ang panga ko sa bonggang kakatawa tuwing nalalaglag ang silver pustiso ni Ms. Gina PareƱo. Ang sarap-sarap naman sa paningin ang kaseksihan ni Martin del Rosario.

Kaya kung gusto niyong maaliw at matawa pansamantala, watch na kayo ng The Adventures of Pureza: Queen of the Riles. Palabas pa!

Friday, July 22, 2011

Lahad

Sawsawan natin ang sigalot nina Heart Evangelista at Marian Rivera. 

Bago ipalabas ang remake ng Temptation Island eh todo crayola si lolah Marian sa harap ng press habang inilalahad ang kanyang bersyon ng istorya. Pero wa-i naman siyang sinabing malinaw na dahilan para warlahin siya ni Heart at ng nanay nito. Kinasangkapan pa niya si Lovi Poe. Basta nasaktan daw siya. Oh di sige, hurt ka na.

Kahapon naman ay nag-imbita ng press si ateh Heart sa bonggang resto ng kanyang pamilya upang maisa-publiko ang tensyong naganap sa Ilocos. Kesyo sinugod daw siya ni lolah sa kwarto at pinagbantaang tetegihin ng fans nito. YAY! Mga kriminal ba ang fans ni lolah? Nagtatanong lang po.

Deretsahan na, mas kapani-paniwala si Heart noh! Sa tinagal-tagal niya sa showbiz, ngayon lang siya nagkaroon ng ganyang eskandalosang isyu. Samantalang si Marian, consistent sa ganitong gulo. Tama ba akiz Sam Pinto at Bela Padilla?! 

Shatap na nga ako. Baka biglang may bumuhos ng asido sa fes ko. Sayang ang byuti ketch!

Thursday, July 21, 2011

Suporta

Pumunta talaga ako sa finals night ng Sexiest Man in the City 2 para suportahan ang pinakamamahal nating si Richard Pangilinan. Kahit na nilalagnat ako at hinang-hina pa, pinilit kong bumangon sa kama upang gumayak sa patimpalak. Kasama kong nanood ang aking friend na si F at isa pa.

As expected, punong-puno ng mga bakla ang Metro Comedy Bar. May mangilan-ngilang mujer pero dominated ng 'sangkabaklaan ang lugar. Nag-umpisa na ang kumpetisyon ng kami ay dumating. Sa bandang likuran kami pumwesto. Sightsina ko si Pia Moran sa audience habang lumalaps ng French Fries.

Hindi pa ako nakakaupo pero water water na watashi agad sa mga kandidatong rumampage sa stage suot ang printed red boxers. May maskara pa!

Maganda ang sequencing ng show. Mabilis at walang cheche bureche. Tatlong beses rumampa ang 24 candidates. Una ang white jumpsuit, sunod ang red boxers tapos yung metallic bikini. 'Di ko alam kung orange ba 'yung kulay nung bikini. Color blind kasi aketch.

Bongga sa dami ng special awards na pinamigay. Mayaman talaga ang producer ng show! Nakasungkit ng dalawang awards si fafah Richard. Sexiest of the Press at Sexiest of Calcium Cee. Aylabet!

Pagkatapos ng tatlong round at special awards, pinili ang sampung semi-finalistas. Abot-abot ang kaba ko't pito na ang natatawag eh hindi pa binabanggit ang numero ni Richard. Buti na lang at natawag siya sa ika-siyam na pwesto.

Nag-intermission number si Paulo Avelino. Yum yum siya sa personal ah. Ewan ko lang kung 'yung audio ba ang may problema at 'di ko marinig ang pagkanta niya. Wala tuoy warm reception coming from the audience. Sa pangalawa niyang song number eh nadinig ko na siya. Nagtawag pa ng mujer sa audience para haranahin. Imberna me! CHOS!

Aliw ever sa paghohost si John "Sweet" Lapus na kahit siya lang yata mag-isa eh keri niya ang buong show. Todong nakakatawa ang kanyang mga hirit lalo na kay Matutina na isa sa mga hurado. Bongga din ang pagche-change outfit niya. Love na love ko ang puki gown na sinuot niya.

Lumabas ulit sa stage ang sampung ohms para sa final round. Ang criteria for judging ay 50% Sexiest Body at 50% Sexiest Mind. So dapat magaling sumagot sa questions ng hurado. Bonggang hiyawan ang audience kapag magaling sumagot ang candidate. Sinasalo naman ni Sweet ang ibang kandidato kapag 'di sila makasagot o 'di nakuha ang tanong.

'Di ko na maalala 'yung tanong kay Richard pero tungkol 'yun sa kaseksihan (siyempre). Nairaos naman niya ng maayos in straight English. Mahal ko na talaga siya (maisingit lang).

Kahit isa siya sa crowd favorites, hindi nanalo ang ating pinakamamahal. Ang higpit kasi ng labanan at halos lahat ay deserving manalo. Well, kahit na 'di niya naiuwi ang premyo, siya pa rin ang panalo para sa 'tin. At siya rin ang pinakamasarap! Forever and ever 'till death do us part!

At siyempre, priority ko ang makuhanan siya ng solo pic para sa inyo mga 'teh. 'Yung couple pic namin eh ipapa-woodframe ko para maisabit sa ibabaw ng grand piano o 'di kaya sa may chimineya. CHAREEENG!

*Maraming salamat kay Ateh Melito Cage para sa ibang larawan.

Wednesday, July 20, 2011

The Love Yourself Project

Patuloy ang pagdami ng mga Pilipinong nahahawaan ng HIV. Pinakabago diyan ang isang dalaginding na dose anyos lamang ang edad (read the news here). JUICE KOH! Ang sikip sa dibdib ng balitang 'yan!

Kaya naman natutuwa ako at nagkaroon sa bansa natin ng The Love Yourself Project. Layunin nito na maiwasan ang paglaganap ng HIV/AIDS sa kabataan at sa mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki. Ito'y sa pamamagitan ng tamang edukasyon at pagpapayo.


Pindutin dito para sa karagdagang impormasyon.

Tuesday, July 19, 2011

Titulo

Mamaya na ang Sexiest Man in the City 2 sa Metro Comedy Bar, West Ave. QC. Nawa'y mapanalunan ni fafah Richard Pangilinan ang bonggang papremyo at titulo. Gogora ako mamaya para live kong masaksihan ang kanyang kaseksihan sa stage. 'Wag sanang tumulo ang laway ko. Kailangan ko 'din palang mag-pantyliner at baka magkalat ang fake-fake ko. 

GOODLUCK CHARD! 

*Photo courtesy of Ian Felix Alquiros.

Ang Birthday, si Divine Lee at Gutom

Matagal-tagal din bago nasundan ang huling paglalamyerda ko. Kaya naman ng malaman kong sa Clark, Pampanga gaganapin ang vertdey celebration ng aking friend na si Julius eh join kaagad akitch. It's time for my byuti to feel the world outside Metro Manila. 

Sa Fontana Leisure Park ang venue at special request ng celebrant na mag-outfit ala mujerita kami ni Shanelle. Game naman naming pinagbigyan ang kanyang hiling. 

Bitbit si Ate Paul, namili ako ng aking isusuot sa mga branded at mamahaling shops (ambisyosa) sa Isetann Recto. Peg ko ang socialite na si Divine Lee. Kailangang ma-achib ko ang look niya. Mahilig siya sa mga dress at sakto naman na may nakita ako. Ang problema: Maluwang. Ang naisip kong solusyon: Pasikipan.

'Di problema ang sapin sa tiil dahil madami niyan si Aly. Humarbat ako ng isang pares sa kanyang koleksyon. Pinakita ko rin sa kanya ang maluwang kong dress. Between me and Aly, siya ang may taste when it comes to fashion and accessories. Siya daw kasi si Gretchen Barretto. To the rescue ang bakla at pinahiram ako ng belt na 'sang dangkal ang lapad. WAPAK! Solb ang problema sa damit.

Maraming pipol ang invited sa party ang isa sa kanila ay ang photographer na si Mark. 'Di namin pinalampas ni Shanelle ang opportunity na mafecturan in our bonggang attire. Emote sa kanan, emote sa kaliwa. Konting buka ng leps, ipikit ang mga mata, ilagay ang kamay sa balikat, tumingkayad, hawakan ang banga, tingin sa ilaw atbp. 

Kabog ako sa cleavage ni Shanelle
Napagod ako sa aming ginawa. Tatlong beses akong pinabalik sa set. Kung anu-anong pose ang aking pinaggagawa. Hindi pala biro ang mag-mudil ba. Nakaka-gutom. Buti na lang at 'sandamakmak ang handa. Kaya after ng photoshoot, galit-galit muna...

Ay! Nakalimutan kong babae ako.

Saturday, July 16, 2011

'Di masisira

Alam kong marami sa inyo (kabilang na ako) ang nalungkot sa paglampaso ng mga piniratang dibidi sa Quiapo... 

...kaya naman kung miss niyo nang manood at merong extra-Yamashita treasure sa inyong bulsa, gora na sa Super Weekend CD & DVD Sale ng Universal Records. Marked down ang presyo ng mga kalakal dito. May sampu, bente, singkwenta, at 'sang daan pataas. Todo dami ng pagpipilian.

Kabilang diyan ang sandamakmak na gay indie films na nagkakahalaga lang ng P125/VCD at P199/DVD. Original 'yan mga 'teh. Pwedeng ulit-ulitin at 'di masisira kahit ilang beses i-rewind o fast forward. 

Friday, July 15, 2011

Sebo

Ang fofogi ng mga ohms sa cover ng iba't ibang magasins para sa buwan ng Hulyo.

Una sa listahan ang Chalk kung saan featured ang basketball stars ng San Beda Red Lions na sina Anthony at David Semerad. Ang sasarap nila! Parang gusto ko tuloy mag-enroll sa eskwelahan nila para lang masight ang cutie fes nila. Yihee! 

Next is fafa Chris Evans AKA Captain America on GQ cover. JOSKO! Natunaw ang nagsesebo kong fake-fake sa kanyang blue eyes. Nakakapanginig laman naman ang carpet sa kanyang dibdib. Ahahahaaayyy!!! Mahihimatay yata watashi.

Okay, masyado na yata akong tigang. Makahagilap nga ng otoko. NOW NA! 

Ice Cream

'Di kumpleto ang tanghalian ko kapag walang panghimagas. Kahit anong matamis eh lalapain ko. Pero dahil nasa lahi namin ang Diabetes, kailangan kong maghinay-hinay sa pagngasab ng sweets. Mahirap magkaroon ng sakit na 'yan at mahal ang maintenance.

Eh bigla kong nakita sa internet ang fecture na 'to...


Mas tumibay tuloy ang desisyon kong umiwas muna sa matatamis...

...lalo na sa chocolate ice cream :D

Tiyo Pablo

Tanong lang:

Sino ang nakapanood ng movie na 'to?


Pare-pareho ba tayo ng opinyon?

Natuwa ba kayo sa mga eksena?

Sabi nila: "Don't judge a book by its cover".

Ang masasabi ko lang: "Do judge a movie by its poster". Yun na!

Wednesday, July 13, 2011

Bigat

Nakakastress ang mga balita ngayon. Bet daw maging state witness ni Zaldy Ampatuan laban sa kanyang kapatid at ama. Ang walang katapusang pangungurakot sa Pilipinas na pati PCSO ay 'di pinaligtas. Ginatungan pa ng nagmamahalang SUV's ng mga pari. Ang diumano'y panggagahasa ng apat na miyebro ng Azkals. Nakakapangit ang puro bad news ah! HANUBAYAN! Ang bigat sa kalooban. 

Buti na lang at kahit papaano, may mga bagay na kahit mabigat eh masarap sa pakiramdam...

Jonas Sulzbach
David Gandy
Matthieu Charneau
Yakang-yaka ko ang ganyang klaseng bigat. Gib it to me beybeh! 

SAAARAAAP!!! ☺

Tuesday, July 12, 2011

Olats

Noong December 2009, may pakontes ang kumpanyang pinagsilbihan ko. Bongga ang labanan dahil dalawang branch ang nagtunggali. Dalawang grupo ang nabuo sa Eastwood branch habang isang grupo naman sa Makati. Magperform daw ng kahit ano. Sayaw ang aming napili dahil 'yun ang gusto ng karamihan. Naganap ang labanan sa may parke bandang Makati. 'Di ko na matandaan ang eksaktong lugar basta malapit sa may Ilog Pasig. Ang sushal de vaaahhh?!

Dahil sampung libo ang papremyo, pinaghandaan namin ang pakontes. Ilang araw nagpuyat para sa todong ensayo. Pinilit kong magpaka-professional dancer. Bet ko sanang lumevel sa G-Force pero 'di kaya ng long legged ko. Humingi ng awa at abuloy sa aming mga kaopisina para may budget kami sa aming kasangkapan. Kahit 'sing laki ng platito ang eyebags, gora kami sa 168 Mall at Tabora para sa costume at props.

Eto ang finish product...


Final rehearsal. Ayaw kong lumiyad...


Saksihan niyo ang buwis-buhay naming pagtatanghal. Sana kayanin niyo...


Subalit sa bawat kumpetisyon, may nananalo at may natatalo. At kami 'yung olats. Keri lang naman pero sayang ang kaperahan. Panlalake sana. CHAREEENG!

Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan, sila 'yung tumalo sa amin...

Saturday, July 9, 2011

Lamig lang

Medyo late na 'to pero hot topic pa rin ang pananapak ni Davao Mayor Sara Duterte sa isang sheriff. Dahil diyan, siya ngayon ang tinaguriang "Darna" ng mga taga-squala lumpur. May rason naman siya para mag-init ng ulo. Hindi nga lang niya kineri ang init kaya umabot ito sa kanyang kamao. Fes tuloy ni sheriff ang napagbuntunan niya. 

Nang mahimasmasan si Darna este si mayor, inamin niya ang pagkakamali at humingi ng dispensa sa tao. Personal daw siyang hihingi ng paumanhin sa biktima at 'di ipapaabot sa iba. Sana nga gawin niya.

Ang hindi ko kinaya eh ang asal ng kanyang ama na si Vice Mayor Rodrigo Duterte sa mga kritiko. With matching dirty finger pa. HUWAW! Yabang lang?! 'Yan ang literal na dirty politics sa Pinas.

Lahat naman tayo ay may karapatang uminit ang ulo lalo na kapag stressed at maraming ginagawa. Pero iba kapag public official ka. Lamig lang sa bawat problemang kinakaharap. Ang kailangan makita at maramdaman ng tao ay aksyon pero hindi tulad ng ginagawa nina Robin Padilla at Ronnie Ricketts. Keep your cool 'ika nga sa Ingles.

Friday, July 8, 2011

Indie Fiesta 2.0

Sponsor & Taksikab
Huling Halik & Ombre
Babaha ng indie films sa paparating na Cinemalaya 2011. Ang ilang sa maaaring mapanood ay may temang kabaklaan kaya kung fan kayo ng gay indie flicks tulad ko, perfekta ang movie festival na 'to. At ang bonus diyan, witchells tinuli ng matutulis na kamay ng MTRCB ang ipapalabas dito. Uncut ito! PAAAK!!!

For movie listings, schedules and how to avail tickets, click here

Unfair

Tanong lang:

Bakit kapag si Georgina Wilson ang naka-bra't panti sa EDSA, hindi kaagad tinatanggal?