Thursday, July 28, 2011

Dalamhati

Nakapanlulumo ang hirap na dinanas ng Bicol Region dahil sa bagyong Juaning. Maraming pamilya ang naapektuhan ng baha at landslide. Halos hindi madaanan ang mga kalsada sa dami ng mga nagtumbahang puno. Rumagasa pa ang lahar na nagpalala pa ng sitwasyon.

Hindi kinaya ng puso ko ang isang pamilyang nawalan ng tatlong anak matapos lamunin ng landslide ang kanilang bahay.

Halatang hindi napaghandaan ng mga Bikolano ang bagyo. Kung maaga silang napaalalahanan sa pinsalang maaring idulot nito, malamang na 'di umabot sa 27 ang namatay (read the related article here).
Saludo ako sa tibay ng loob na pinakita ni Albay Governor Joey Salceda sa kanyang nasasakupan. Kamamatay lamang ng kanyang ina kahapon matapos madulas sa basang sahig. Hindi niya iniwan sa gitna ng trahedya ang mga Bikolano kahit siya mismo ay nagdadalamhati.

Ipagdasal natin na makabangon agad ang Bicol Region kasama na ang iba pang lugar na nasalanta ni Juaning. Nawa'y ngumiti na ang araw para sa kanila.

No comments:

Post a Comment