Sunday, July 3, 2011

Bukas

Nasa Quiapo ako kahapon upang mag-shopping ng kung anu-ano. Siyempre kasama na diyan ang pamimili ng piniratang dibidi. Pero shakira ang byuti ko ng ito ang tumambad in my fes...

Naalala kong bigla na Hulyo na pala. Binigyang taning ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga tindera ng pekeng DVD na hanggang Hunyo na lang sila pwedeng magtinda. Kaya pala sarado at malinis na ang lugar.

Kung suki kayo dito, marahil ay kilala niyo si Ligaya Master, ang numero uno pagdating sa M2M videos, mapa-indie man o hardcore. Sa kanya ako bumibili ng ibang hard-to-find copies ng classic Pinoy movies. Sa aking pag-iikot sa lugar, nakita ko ang kanyang kanang kamay na nagtitinda ng mga t-shirt. Sabi niya, hindi na sila pwedeng magtinda ng DVD at kapag nahuli sila, 50K ang multa. 

Aaminin ko na medyo nalungkot ako sa aking nakita pero mabuti na rin ito. Kawawa naman kasi ang mga namumuhunan sa pelikula at musika pero iba ang kumikita.

Nawa'y sumigla ulit ang benta ng mga video & record bars tulad ng Odyssey at Astroplus para 'di matulad sa Music One na tuluyan ng nagsara.

Sana lang ay tuloy-tuloy na ang pagbabawal sa pagbebenta ng pirata at hindi lang sa umpisa . Baka kasi bukas eh alam niyo na... bukas ulit sila.

9 comments:

  1. I don't have an issue with pirated dvds in the PH. pero siempre signatiry rin tayo sa mga international eklavu on intellectual property rights kaya bawal nga talaga. Mas inaawat ko ang sarili ko sa pagbili ng Filipino Films on pirated discs, kasi kawawa talaga tayong lahat sa ganun. Isipin mo na lang kung inabangan mo siya sa DVD na original, ganun din naman ang presyo niya sa sinehan. Pwede mo pa ulit ulitin yung panonood mo ng nabili mong DVD. Kaya buyla na ng Filipino Films on original DVD!!!

    ReplyDelete
  2. pareho pala tayo diyan din aq kay ligaya bumibili.. pati mga ms universe na dati na mayron sla...
    mali nman kc ang mtrcb nakita na nga nila na ang dami pinarata wala pa sila ginagawa...bakit hindi nila gawin babaan ang halaga ng mga dvd...kung ang pinaratang dvd ay nasa halagang 35 pesos sa quiapo..gawin nila 20 pesos para sa kanila na bibili...sino nga ba pilipino ang bibili ng dvd sa halagang 250 pesos na original..eh may mabibili ka naman na 35 pesos lang.. kaya kayo nasa mtrcb gawin ninyo 20 pesos lang ang dvd ninyo ng tangkilikin ang original n dvd...

    ReplyDelete
  3. huhuhuhu,,parehas tayo amiga suki si tita ligaya ahahhaha..friend talaga kita

    ReplyDelete
  4. OMG! Wala na ba talaga.. Most us are very practical in terms of buying our luho. No more DVD marathons :(

    ReplyDelete
  5. nakita ko din last night na wala nang mga pirata sa quiapo.sobrang nakakapanibago ang eksena dun. ok lang naman sana na wala nang mga pirata pero babaan naman nila ang price ng mga ticket sa sinehan. sobrang over naman kasi yung p180. napaka-impractical sa isang family na manood ng sine ng ganung price. kaya kadalasan, bibili na lang sila ng pirata.

    ReplyDelete
  6. waahaha wala na si ligaya suki din ako, sana pala mag get together ang mga ligayanatics....

    ReplyDelete
  7. Pasenya na po pero natawa ako sa nag-comment na gawing 20pesos ang presyo ng original na dvd. Kuya/ate maawa ka naman po sa mga producer ng pelikula at ano naman po kinalaman ng mtrcb sa pagbaba ng presyo ng orig na dvd?

    Kung tutuusin nga po ay bagsak presyo na ang 150-250pesos na dvd kasi doon dapat babawi ang mga producer sa flop na movie nila pero dahil sa dibidi eh kailangan nilang ibagsak presyo. Di lang naman po kasi mga producers ang nakikinabang pagkumita ang pelikula (lalo na ang Filipino movies), nandyan ang mga scriptwriters, lights-men,at kung sino sino pang empleyadong nasa likod ng kamera. Kung handang magbayad ang mga tao ng 100-350pesos para sa isang movie kada tao, lalo na sa foreign movies, mura na ang 250pesos na original dvd na puedeng panoorin ng buong barangay paulit ulit.

    Mahaba na po ang ek-ek kung eto pero may isang hirit pa ako. Sa mga producers sana naman po gawin nilang sulit ang ipambibili namin ng original dvd at di basurang pelikula ang ganap. And I thank u, BOW!

    ReplyDelete
  8. Para sa akin, I don't mind buying original DVDs. Napipilitan lang akong misang bumili ng porno sa Quiapo kasi wala ka namang makikitang porno sa mga regular stores. Hangang softporn lang.

    Kung legalize lang ng gobyerno ang pornography, maraming kikita diyan. Puwede namang gawing legal ang adult entertainment nang hindi dumadaan sa pagka-prostitusyon, di ba?

    ReplyDelete
  9. eh di naglipatan lang yan .san na kaya sila di pwede walang kita yang mga yan hahanap at hahanap sila ng pwesto, goodbye DBD quiaps, daming nalulugi dahil sa inyo

    ReplyDelete