Friday, September 30, 2011

Inuulan

Sa ika-5 ng Oktubre na ipapalabas ang pelikulang magpapainit sa inyong inuulang life.

Kape Barako stars Johnron TaƱada, Marcus Aboga, Allan Stevens and  Miko Pasamonte. Also starring Afi Africa, Joyce Acorda and 'the' Frederick Peralta. This indie film is produced by Avel Bacudio, written by Lex Bonife and directed by Monti Parungao

Tikman ang kakaibang lasa ng kape sa mga sumusunod na sinehan:
  • Robinsons Galleria
  • Metropolis Alabang
  • Ever Gotesco Caloocan
  • Isetann Recto
  • Remar Cubao
  • Roben Manila
  • Eden Cinema Cebu

Thursday, September 29, 2011

Subsob

Mamaya na ang concert ng Westlife sa Smart Araneta Coliseum. Gustong gusto ko sanang manood kaya lang may pasok sa trabaho. Limas na rin ang VL credits ko kaya no choice watashi kundi isubsob ang sarili sa trabaho. Mabuti sana kung sa ibang bagay ako nakasubsob eh. CHARAT!

Dahil diyan, pag-uwi ko mamaya ay isasalang ko sa cassette player ang isang bala nila at pakikinggan ang kanilang musika hanggang sa ako'y maka zzzzzzzz...

So I say a little prayer
And hope my dreams will take me there
Where the skies are blue, to see you once again... my love
All the seas from coast to coast
To find the place I love the most
Where the fields are green, to see you once again... my love




My Love is Westlife's first single from their sophomore album Coast to Coast released on November 6, 2000.

Wednesday, September 28, 2011

Concert

Bonggang bongga ang concert ni Pedring yesterday. Lahat tayo at namesmerize sa kanyang kakaibang tinig na halos buong Luzon ang nakarinig. Magdamag niya tayong inawitan na may kasamang wetness. 

Nauna ang Bicol region sa kanyang Philippine Tour na sinundan naman ng Aurora, Isabela, Metro Manila, Baguio, Ilocos at iba pang karatig probinsiya. Walang hindi nakarinig sa mataas niyang boses. Kahit borlogs ka eh walang habas ka niyang kakantahan hanggang sa ika'y magising. Ganyan ang nangyari sa akin kahapon.

Kaakibat niya si high tide sa kanyang arrive at dahil dito, nawala panandalian sa mapa ang todong kahabaan ng Roxas Boulevard. Hindi pinalagpas ang US Embassy, ang shalang Sofitel Hotel at ang gigantic MOA.

Buti na lang at medyo napagod na siya ngayong araw at panaka-naka na lang ang kanyang himig. Nawa'y hindi na muling magconcert ang mga tulad niya sa Pilipinas.

Saturday, September 24, 2011

Ilusyonada

Matapos ang sunud-sunod na 'di kagandahang news, narito ang isa masarap na balita para sa lahat. Sa tingin ko ay magkaka-lablayp na ako. YES! You read it right! Ramdam ko na malapit na akong makita ni Prince Charming (ilusyunada!). At kapag nangyari iyon, hinding hindi na niya ako pakakawalan. Igagapos niya 'ko sa kanyang katawan.

Eto siya oh...

Robbie Becroft
Kung ito'y isang panaginip, ayoko nang magising. Jolina M, is that you? 

*Photos by Ira Giorgetti.

Friday, September 23, 2011

Angas

Nunca kong nagustuhan ang klase ng pagbabalita nitong si Anthony Taberna. Ang angas kasi ng dating at pagsasalita niya. Parang nagsasabi na "magaling ako" o "paniwalaan niyo 'ko". Ibang-iba kung ikukumpara mo sa mga  beteranong mamamahayag ng Kapamilya Network tulad nina Noli de Castro, Ted Failon at Julius Babao.

Simula ng maging anchor siya ng Umagang Kay Ganda, hindi na yata ako nanood ng morning show na 'yan. Nakakainis kasi ang mga hirit niya sa Punto Por Punto. Pati paraan ng kanyang pag i-interview ay hindi ko bet.

At eto nga, may nasagap akong link sa FB tungkol sa episode ng UKG kahapon. Tungkol ito sa naganap na pamamaril sa loob ng SM Pampanga noong Martes. Para sa kabuuang ulat, pindutin dito.

Barya ni Juan

Taun-taon na lang kung magprotesta ang mga iskolar ng bayan dahil sa walang habas na pagtapyas ng gobyerno sa taunang budget nito para sa edukasyon. 

Kaninang umaga ay nagsipag-walkout sa kanilang klase ang mga estudyante at propesor ng Univeristy of the Philippines upang ipahayag ang kanilang pagkadismaya. Nakisama din ang mga mag-aaral ng Polytechnic University of the Philippines sapagkat hindi man lang umabot sa kalahati ang pondong inilaan sa kanila para sa taong 2012. Nakiisa din ang Philippine Normal University, Rizal Technological University atbp.

Tinaguriang "Plank-U" ang nasabing protesta dahil nagsasama-sama ang mga raliyista sa Mendiola at doon sabay-sabay nag-planking.

Hindi kataka-takang bokya tayo sa school rankings sa buong mundo. Sa liit ng budget eh nagawa pa itong bawasan. Bakit hindi tapyasan ang pork barrel ng mga kongresista? Mas maigi pa nga kung tanggalin na 'yan para mailaan ang pera sa ibang sangay na mas nangangailangan.

Estudyante pa lang ako eh ipinaglalaban na 'to. Aba! Kelan sila hihinto? Kapag barya na lang ang tira para sa kinabukasan ni Juan?

*images from abs-cbnnews.com

Dalawang araw mula ngayon, ang bukas ay magiging kahapon

Darating ka talaga sa punto ng buhay mo na nilulukuban ka ng matinding kalungkutan. Marami kang iniisip na nakadadagdag sa bigat ng nararamdaman mo. Minsan nagiging depresyon ito kapag sobra na. Nagiging option pa minsan ang pagpapakamatay. Pero lagi mong isa-puso't isip na may maganda pang maidudulot sa'yo ang buhay. Nakakapagod maging malungkot pero lilipas din 'yan. 'Wag padadaig sa pagsubok.

Thursday, September 22, 2011

Balik loob

Nabuburyong na ang byuti ko sa kakakuda sa mga foreynjers kaya naman napagpasyahan kong mag-aral ng pagvi-video edit. Sa tulong ng aking super friend na si Tensai, tuturuan niya akong gumamit ng Avid Media Composer. 'Yan eh kung may time pa siya. Busy much kasi ang kanyang byuti sa trabaho. Magse-self training muna ako using online manuals.

Sinajes din niya na magbalik loob ako sa pag e-edit ng photos. Classmate ko siya noong college sa Photography at Multimedia Arts classes kaya kahit papaano at may alam ako. Hindi nga lang nahasa dahil sa ibang landas ako napunta after graduation. I think it's time to go back ang improve my skills.

Good luck sa 'kin at sana makaya ko 'to! Mukha pa namang napaka-technical ng editing.

Wednesday, September 21, 2011

Glow, Blow, Know

Ano bang nangyayari sa SM at mukhang bagong target ito ng krimen. Noong isang linggo lang binaril ng isang misis ang kanyang mister sa loob ng SM North EDSA. Nadamay pa sa insidente ang isang sekyu. Kahapon naman ay dalawang beki ang patay sa loob ng SM Pampanga. Ang todong nakakaloka, trese at disi-sais anyos lang sila!

Ayon sa balita, si beki 13 at 16 daw ay magkarelasyon. May pinagselosan si beki 13 at dahil dito, napagpasyahan niyang barilin sa ulo si beki 16 na ginawa rin niya sa kanyang sarili. Agad silang dinala sa hospital ngunit parehong dineklarang brain dead na.

Pumunta ako last week sa SM North matapos ang barilan incident at walang pinagbago ang kanilang security system. Bago pumasok eh tsetsekin ni koyang sekyu ang bag mo pero hindi mag e-exert ng effort na kalkalin ito. Hindi na rin kinakapkapan ang katawan ng mga nagsisipagpasok. Hindi kataka-takang madaling naipasok ng mga suspek ang kanilang armas.

At ang mga bagets ngayon, ke aaga makipagrelasyones lansones. 13 years old? NAKAKALOKA! Siyempre nakakaramdam na ng crushes at paghanga 'yan sa ibang tao pero sa ganyang edad, dapat pag-aaral ang kanilang prioridad.

Bb. Melanie with high school classmates
Sa mga kabataan ngayon, 'wag naman sana ninyong minamadali ang pagtanda at pakikipagrelasyon. Ilang taon lang naman kayong magiging adolescent kaya dapat i-enjoy ang youthfulness at glow. Saka na isipin ang blow, you know?

Lovelife

Someone asked me to share something about my lovelife. At first, ayaw ko sanang mag-share dahil nahihiya ako. Pero dahil wala naman akong itinatago at malakas kayo sa akin, sige na nga.

Pinapakilala ko sa inyong lahat si lovelife...

AMP!

Tuesday, September 20, 2011

Paano na lang?

Nakipag-bondingan ako sa aking pamilya at mga kaibigan nitong nakaraang dalawang araw. Ang sarap sa pakiramdam na makipaghalakhakan at makipagdiskusyunan sa kanila. Iba pa rin talaga ang pakikipag-interact sa totoong buhay kaysa sa internet lang.

Pumunta ako sa bahay ng kaibigan ko nung linggo. Sakto at nandun din ang isa pa naming kachokaran. Kwentuhan habang palipat-lipat sa replay ng Miss Universe at coronation night ng Miss World. Medyo sensitive ang ibabahagi ko sa inyo kaya itatago ko ang kanilang tunay na pangalan.

Mariah: Nako, itinigil ko na nga 'yang pag-eemo sa Facebook.

Melanie: Bakit? Tanggap mo na bang dalawa kayo sa buhay ni Ricky?

Mariah: Hindi lang dalawa. Marami kami.

Melanie: Oh my! Hindi ba siya natatakot na magkaroon ng AIDS?

Naikwento ko sa kanila ang picture ko sa promotion ng The Love Yourself Project.

Shania: Since advocate ka na, pwede na siguro naming sabihin sayo...

Mariah: Si Ricky ay HIV positive.

Melanie: HUH! Eh di baka ikaw rin?

Mariah: Never naman kaming nag-do noh!

Melanie: Kailan niya nalaman? Saan?

Mariah: Few months ago. Nagpatingin silang magbabarkada sa San Lazaro. Tatlo sa kanila ang nagpositive. 'Yung isa 19 years old lang.

Melanie: Kailangan siguro niya ng counselling. May kilala ako.

Mariah: Ilang beses ko na siyang pinagsabihan. Hindi na siya makikinig sa counselling na 'yan. Wala nang direksyon ang buhay niya.

Melanie: Eh anong balak niya?

Shania: Ang manghawa.

Nilukuban ako ng matinding takot ng mga sandaling iyon. Halo-halong emosyon ang aking naramdaman pero ang tanging nangibabaw ay takot. Hindi ko alam kung para kanino pero natakot ako.

Paano na lang siya?

Paano na lang ang iba pa niyang nakaulayaw?

Paano na lang kapag nalaman ito ng kanyang pamilya?

Paano na lang ang mga inosenteng tao na maaari niyang hawaan?

Saturday, September 17, 2011

Tinimbang 2.0

Nadelay ng konti ngunit heto na ang ikalawa at huling timbang sa mga pelikulang tungkol sa buhay beki...

5. Ang Lihim ni Antonio
So far, ito ang pinakamagandang pelikula na naisulat ni Lex Bonife. Ang galing din ng pagkakadirek ni Joselito Altajeros. 'Di nakapagtatakang naipalabas ito sa iba't ibang bansa at nakapagpanalo pa ng akting award kay Kenjie Garcia.

4. Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros
This is not actually a gay indie film pero dahil beklaboom si Maximo eh isinama ko na 'to. Masarap panoorin na hindi hadlang ang kabaklaan ni Maximo para mahalin at pahalagahan siya ng kanyang tatay at mga kapatid. Nakakainggit. Nakakalungkot lang ang kinahinatnan ng kanyang pamilya sa ending ng pelikula.

3. Sikil
Ipinalabas noong early 2008 kung saan hindi pa laganap ang produksyon ng pink movies. Bestfriends na naging lovers ang tipikal na istorya. Ang sarap lang ni Ken Escudero dito.

2. The 'Thank You' Girls
Kakaiba ang pelikulang ito mula sa lengwaheng ginamit hanggang sa karaktek ng mga bida. Mabuhay ang mga beklitang mahilig sumali sa byuti pageants! 

1. Muli
Hango ito mula sa Palanca-award winning screenplay ni Gerry Gracio. May kahabaan ang itinakbo ng pelikula pero hindi nakakainip. Iilan lang ang karakter pero lahat ay mahalaga para sa kabuuan ng istorya. 

Ayon kay Sid Lucero, ito na ang huling pagkakataon na gaganap siyang vektas kaya siguro itinodo na niya ang performance dito. First time naman makipag-tsuktsakan ni Cogie Domingo sa kapwa lalaki on screen. Nakakagulat ang kanilang mga eksena pero ginawa naman in a very good taste. 

Ito ang nanguna sa aking listahan dahil bukod sa perpektong istorya at mga artista, naramdaman kong pinahalagahan ng pelikula ang pagmamahalan ng dalawang tao na nag-antay ng tamang panahon para ito'y pagsaluhan. Walang namatay sa mga bida at hindi nakakalungkot ang katapusan. 

Friday, September 16, 2011

Cosmo Bachelor Bash 2011

Salamat sa aking mabuting kaibigan na si Chari at kinaray niya 'kong muli sa Cosmo Bachelor Bash. Ikalimang pagkakataon ko nang dumalo sa event na itis ng Cosmopolitan Magazine at talagang walang mintis itong napapataas ng kasabikan ko sa lalaki. Halatang kaong na akiz. CHOS! 

Dagsa ang 'sangkababaihan at 'sangkabaklaan kagabi para masilayan ang sandamakmak na sarap sa stage. Inumpisahan ni Jake Cuenca wearing pants na hinubad niya. Parang magigiba ang World Trade Center sa tilian ng tao. JUICE KOH! Ang sarap sarap ni Jake! Napuno agad ang pantiliner ko!

Rampa din sa stage ang iba't ibang modelo at artista tulad nina Rodjun Cruz, Lucky Mercado, Mike Tan, Aljur Abrenica at Brent Javier. Early 2000's pa ng maging laman ng pantasya ko si Brent at talagang hindi nagbago ang kanyang itsu. 'Di ko pinalagpas ang pagkakataon na magpa-fecture sa kanya. 

May bago din itinatangi ang puso(n) ko, si Robbie Becroft. Ang kyot kyot niya! Nakakaloka ang pagpapatakam ni Anton del Rosario sa kanyang tapur. Pati si Enrique Gil, hindi nagpahuli sa matatambok niyang pan de limon. Laglag ang panga namin!

Pagkapatapos ng show, inabangan namin ang mga mudels para makipag-litratuhan. Dedma sa hiya basta may ebidensya ng sarap. At dahil para akong papel na pakalat-kalat kagabi, may apat na nakakilala sa akin. Mga tagatangkilik ng blog na itech. Kung nababasa niyo man ito, maraming salamat sa pagsuporta. 

High na high pa ako hanggang ngayon dahil sa dami ng masasarap na putahe kagabi. Sana makapunta ulit ako nek yir.

Wednesday, September 14, 2011

Abante

Miss Universe 2011 Leila Lopes and Ximena Navarrete
Talagang hindi ako nakaka-get over sa nakalipas na Miss Universe 2011. Medyo nahimasmasan na ako sa pagiging 4th place ni Shamcey. Ayaw ko nang umalma dahil wala na namang magagawa pa 'yon. May iba nga lang akong bet na hindi man lang naka-abante sa top 16 or top 10. Heto sila...

Korea - Sora Chong
Ang roommate ni Shamcey sa Brazil. Gustong gusto ko ang aura at maamong features niya. Medyo kinulang sa stage presence during the prelims kaya parang hindi masyadong napansin.

Japan - Maria Kamiyama
Basta kandidata galing Japan, high-fashion at mamahalin ang porma. Kakaiba ang kulay at tahi ng kanyang bonggang evening gown. Ang slit ay nasa left side mismo ng hita. PAKAK!

Tanzania - Nelly Kamwelu
Maraming may ayaw sa kanya dahil sa hindi pang beaucon ang kanyang itsu. Since madami na sila, hindi ako sasama sa kanila. Baka tusukin pa niya ako gamit ang national costume niya. CHAROT!

Venezuela - Vanessa Goncalves
Actually kalahating malungkot at kalahating masaya ako sa hindi niya pagkakasama sa top 10. Malungkot dahil inabangan ko siya simula ng manalo siyang Miss Venezuela 2010. Nasaksihan ko ang todong transformation niya. Masaya kasi isa siyang NAPAKALAKING threat sa ibang kandidata. Tindig at katawan pa lang, alam mo nang medyo dehado ang iba. Tsaka umariba na naman sila noong 2008 at 2009 kaya give chance to others naman.

Tuesday, September 13, 2011

Salamat 2.0

Bonggang salamat sa isang napaka gandang performance Shamcey! Kahit hindi mo nasungkit ang mailap na korona ng Miss Universe, proud kami sa nagawa mo para sa ating bansa. Happy ang 'sangkabaklaan sa pagiging 3rd runner-up mo. Sa limang natira, ikaw lang ang nakasagot sa tanong na may todong confidence, in straight English at walang utal. ANG GALING!

Tunay ngang kakaiba ang taglay na alindog, talino at ganda ng mga Pilipina.

Next year ulit!

Sunday, September 11, 2011

Turnilyo

Grand Winners Jared Alvero and Cheska Lacson
Nagsama-sama noong Martes sa Metro Comedy Bar ang mga straight at lahing fenk para sa pinakaseking gabi ng Setyembre, ang ika-anim na taon ng Hataw Super Bodies Bikini Open. Bumaha ng alindog sa stage na halos ikaluwag ng turnilyo ko. 

(L-R) 1st RU: Haime Felix, 2nd RU: Arbie Silva, 3rd RU: Josh Cuenca, 4th RU: Jayson Parker 
Marami sa mga original contestants ang nagsipag-back out tulad ng bet ko na si Richard Bradley Arma at ang paborito ng vektas na si Rommel Torres. Equally handsome at hunkilicious naman ang humalili sa kanila tulad ng SHOBI 2011 grand winner na si Jayson Parker.

Unti-unting nabawasan ang tao sa paglalim ng gabi kahit hindi pa tapos ang show. Ang haba naman kasi ng itinakbo nito. Kahit ang mismong host na si Richard Pinlac eh halatang minadali na ang Q&A portion. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at tahasang tinanong ang mga male finalists kung may experience na ba sila sa bading. Tinanong din kung anong masasabi sa indecent proposal. Isa lang ang nakasagot ng maayos sa misteryosong tanong na yan, si Jared Alvero. Noong una eh no comment siya pero sinagot din niya. Kung makakatulong daw ang indecent proposal, why not? Oh de vaaahhh!? Winner talaga!

Bago koronahan ang nagsipagwagi, rampa muna sa stage in their dark red bikini ang year 5 winners na sina Kate Dulay at Richard Pangilinan. Tuluyan na akong nawala sa aking sarili with matching paglalaway ng bibig at fake-fake. Hihihi...

Narito pa ang ilang masasarap na hi-rez photos na kuha ni ateh Melito Cage:

Saturday, September 10, 2011

Shamcey Supsup, 25, PHILIPPINES!

High-spirited ang mga Pinoy pageant fanatics tulad ko sa PAK na PAK na performance ni Shamcey Supsup sa nakalipas na Miss Universe 2011 preliminary round. Kahit baguhan sa larangan ng pagandahan, pinatunayan ng ating pambato na hindi siya pahuhuli at padadaig pagdating sa rampahan. Swabe ang bawat hakbang niya sa entablado na sinabayan ng nakahahalinang ngiti.

Nakahinga naman ng maluwag ang ilan sa atin dahil sa bonggang gown na ginawa ni Mang Barazza. As we all know, halos isang dekada na siyang gumagawa ng gown para sa ating kandidata pero karamihan ay palyado. Sino ba naman ang makakalimot sa aluminum foil-inspired gown ni ateh Venus last year?

Panoorin niyo kung paano todong ihampas left to right ni Shamcey ang balakur niya sa video na 'to...



*Photos from Missosology website. 

Friday, September 9, 2011

Kung ako si Liz Uy...

...hindi na ako kakalas sa pagkakayakap sa kanya. PRAMIS! 


*From Liz Uy's Twitter account.

Nasobrahan

Nakakalokang balita from Brazil. Hindi tungkol sa Miss Universe kundi sa isang batang na-teggie agbayani dahil nasobrahan. 42 times kasing nagbayas sa loob ng 'sang araw.

NAKAKALOKA!

Disi-sais anyos lang si koya at todong adik sa pagma-masturbate. Alam ito ng kanyang ina at plano sana siyang ipakonsulta sa eksperto pero huli na ang lahat. Kahit ang mga kamag-aral niya ay knows itech. Niyayaya pa niya ang mga ito na panoorin siya sa webcam.

Nang bulatlatin ang kanyang kuwarto, natagpuan ang sandamakmak na hubad na larawan ng babae at porn videos na ang ilan ay naka-save sa computer.

Sobrang nakaka-sad ang ganitong pangyayari. Ayaw ko silang sisihin pero malaking bahagi ng kamatayan ni koya ang kapabayaan ng kanyang mga magulang. Alam naman pala ni mudrakels na bayasbayesus adiktus ang kanyang anak, eh 'di sana pinasuri na niya kaagad. Sa ganyang edad kasi nagsisimulang mag-eksperimento ang isang tao. Kung may tamang gabay sana, naiwasan siguro ang ganitong trahedya.

*Source: TV 5's Balitaang Tapat 9/9/2011

Thursday, September 8, 2011

Buwaya

Can I Just Say:

Kawawang buwaya sa Agusan samantalang mas malalaki ang nasa Batasan.

Read here.

Wednesday, September 7, 2011

Dalawang ganap

Dalawang mahahalagang ganap ang todong handog sa atin ngayong buwan ng mga mabubuting tao sa likod The Love Yourself Project.

Mauuna ang libreng HIV counseling at testing na magaganap sa Linggo, Setyembre 11 sa Playroom located in West Avenue, QC. Ito ay mula alas-dies ng umaga hanggang ala-singko ng hapon. Confidential lahat kaya walang dapat ipangamba. 

Sa September 24 naman ang part 2 ng TLYP photoshoot. Sa mga naka-miss noong isang buwan, this is your chance na mafecturan ni Sir Ian Felix Alquiros. Donate ka lang ng one thawsan peysosesoses at bukod sa litrato na may kasamang pagpapaganda ay magkakaroon ka pa ng bonggang Love Yourself t-shirt. Lahat ng malilikom dito ay gagamitin para sa panustos ng libreng counseling at tulong para sa mga taong apektado ng HIV/AIDS. 

12 noon hanggang 10 PM ang litratuhan sa #88 Panay Avenue, QC.

Click here to register for the photoshoot.

Monday, September 5, 2011

Walang sabit

Can I Just Say:

Magmahal sa walang sabit... para hindi maging kabit.

Listen here.

Saturday, September 3, 2011

Stellar

Todong aliw ang handog sa manonood ng Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington. Napanood ko 'to kagabi at talagang nag-enjoy ako. Ang daming nakakatawang eksena. Ang galing umarte ni Mart Escudero bilang vektas. Ang sarap niyang panoorin sa screen samantalang delight sa paningin ang love interest niyang si Kerbie Zamora.

Walang kupas pa rin si Roderick Paulate kapag gumaganap na vekla . Hindi pa man siya nagsasalita eh nakakatawa na. Refreshing naman ang role ni John Regala bilang mabuting tatay. Janice de Belen, Eugene Domingo, Lauren Young and the rest gave stellar performances (maka-stellar lang oh!).

The script was well written. Walang pilit na dialogues at puchlines. Shinowcase pa ng pelikula ang ganda ng Quezon Province at ang bonggang Pahiyas Festival.

Palabas pa ito sa inyong mga suking sinehan kaya sugod na!

Friday, September 2, 2011

Tinimbang 1.0

Tatlong taon na pala simula ng maging masugid akong tagasubaybay ng Pinoy Gay Indie Films. Enero ng taong 2008 ako unang nakapanood sa Robinson's Galleria. Kapag nagfa-file ako ng vacation leave sa opisina, alam na ng bisor ko kung saan ang lakad ko... premiere night sa UP. Mula officemates hanggang classmates eh kinaray ko na para lang may makasama ako. 

Eto ang unang beses na magkakaroon ako ng listahan ng sampung pelikula na aking nagustuhan. Tinimbang ko mula sa istorya, galaw ng camera, kaartehan ng mga ta-artits at maseselang eksena (siyempre hindi dapat mawala yan).

10. Chub Chaser
Isang pelikula na magtuturo sa'yo na mahalin ang sarili mo bago ka magmahal ng iba. Tanggapin kung ano ka at huwag magkunwaring iba. 

9. Quickie
Ang unang pelikulang napanood ko sa UP. Napapanahon ang istorya lalo na't laganap ang mapagsamantala sa mga bakla. Nakakalerki ang cum shot ni Andro Morgan na sad to say eh hindi napanood ng karamihan. 

8. Walang Kawala
Grandyosa! Mula sa cast, promotion at direktor. Bukod sa gay interest eh tinalakay sa pelikula ang isyu ukol sa human trafficking. The best din ang mga eksena ni Joseph Bitangcol at Polo Ravales. Siyempre, dito ko nakilala si baby Marco Morales. Baby talaga!?

7. Sagwan
Punong-puno ang UP Film Institute na kahit sa sahig ay may naka-upo ng ginanap ang premiere night nito noong first quarter ng 2009. Umpisa pa lang, busog ka na sa nakaka-elyang eksena ni direk sa ilog. Bongga ang focusing ng camera sa kung saan-saang parte ng katawan ng mga artista. Dito ini-launch ang short-lived career ng Cappucino Boys.
6. Ang Lalake sa Parola
'Di ko napanood sa sinehan 'to pero isa ito sa pinaka paborito ko. Maayos ang pagkakalahad ng kwento at hindi nakakahilo ang camera shots. Effective sa role na beki si Justin de Leon samantalang ang sarap panoorin sa screen ni Harry Laurel.