Tuesday, February 12, 2013

Señorita

Isa sa mga bonggang collections ko ang Señorita series ni Rose Tan. Ito ay inilathala ng Precious Pages Corporation, ang may-ari ng Precious Hearts Romances. Sila ang tagalimbag ng pinakasikat na romance pocketbook sa bansa. Sa sobrang ganda ng mga istorya, ginawa pang teleserye ang ilan tulad ng Bud Brothers, Kristine at Paraiso na kasalukuyang mapapanood tuwing hapon sa Kapamilya Network.

Anim na señorita lang ang orihinal na plano pero dahil todong kinagat ng mga mambabasa, nagtuloy-tuloy ang serye hanggang umabot ng tatlumpu't limang libro. Kwento ng mga babaeng umibig sa murang edad, mayaman man o mahirap basta señorita sa isip, sa salita o gawa. 

Nagsimula akong kolektahin ito noong high school ako at magpasahanggang ngayon na ako'y namamasukan na, hindi ko hininto ang pagkolekta kahit dumalang na ang paglabas ng serye. Buti na lang at sa isang bagsakan eh naglabas nitong nakaraang linggo ng tatlong panibagong libro. Solb ang byuti ko!

Ang pinakagusto ko sa seryeng ito eh hindi masyadong mabigat sa damdamin. Of course hindi mawawala ng pag-ibig at romansa. Minsan may aksyon pero 'di nawawala ang sangkap ng katatawanan. Nakakawala ng stress kapag binabasa. Kapupulutan ng aral at pag-iisipin ka tungkol sa buhay. Tunay na henyo sa panitikan ang manunulat.  

2 comments:

  1. ako miss melanie hindi lang ang senorita series ang binabasa kundi lahat ng isinusulat ni rose tan, lahat may comedy kaya nakakatuwa. super mega love ko ang writer na yan.

    ReplyDelete
  2. Do you still have a copy of these? Lalo na yung kay Richelda. Sobrang lapit sa puso ng story na to kaya kahit once ko lang nabasa natatandaan ko pa rin. Gusto kong basahin ulit kaso wala na sa bookstores. :(

    ReplyDelete