Monday, February 4, 2013

Sumadsad

Sa wakas, nakahanap din ako ng bakanteng oras para makapanood ng lumang pelikula. Isang La Aunor Classic ang aking isinalang sa dibidi player, ang Minsan, May Isang Ina. Bigatin ang mga kasama niya dito: Charito Solis, Manilyn Reynes, Bembol Roco, William Martinez at ang isa ko pang paborito, si Maricel Soriano.

Courtesy of Pelikula, ATBP.
Minsan, May Isang Ina (1983)
Regal Films Inc.
Directed by Maryo de los Reyes
Starring Nora Aunor, Charito Solis, Bembol Roco and Maricel Soriano

Si Noemi (Soriano) ay anak ni Sarah (Solis) sa una niyang asawa. Nagkahiwalay sila at nakatagpo siya ng bagong ohms. May anak nga lang, si Ruth (Aunor). Nagkaroon din sila ng sariling supling sa katauhan ni Ding (Reynes) na may epilepsy. Umiikot sa negosyong pag i-imprenta ang buhay niya. Pamana ng kanyang itay at ito ang bumubuhay sa kanila.

Mahigpit sa lahat ng bagay si Sarah. Bawal ang sumuway dahil malilintikan ka. Obsess din siyang maiangat ang paluging negosyo. Pati kaluluwa ni Ruth, ginamit niya pambayad utang. Wala siyang panahon para maipasyal ang bunso niya. Todong kinokontrol niya ang lahat ngunit hindi nakatiis si Noemi kaya umistokwa na lang at sumama sa jowa (Martinez). 'Di na rin nakatiis ang asawa ni Ruth kaya sumama na sa kulasisi. Na-deds ang byuti niya sa ending while asking for forgiveness sa dalawa niyang junakis. Dalawa na lang kasi namatay si Ding dahil na rin sa kagagawan niya.

"Noong una, akala ko nagtatanga-tangahan ka lang.
Pero ngayon napatunayan ko, talaga palang tanga ka. TANGA!
Walang laman ang utak mo kundi abo, dura at upos ng sigarilyo ng ina ko!"
Ambigat sa damdamin habang pinapanood ko 'to. May nanay palang ganun. Anyways, bongga ang cast dahil lahat eh may mga pangalan pagdating sa aktingan. Nakakatakot ang pagiging authoritative ni Charito sa kanyang role. Bagets na bagets pa ang fes ni Marya pero hindi nagpahuli sa batuhan ng linya. Sumadsad sa sofa si Ate Guy sa sampal niya. Panalo si Ate Guy lalo na sa eksenang umiiyak siya sa kama dahil nasight niya ang true love niya na may asawa't anak na. Pinakagusto ko 'yung nasiraan siya ng bait at binalak magbigti sa loob ng printing press. Ang likot ng mga mata pero andun 'yung lalim ng akting. Pumasok pa siya sa drum para mas kumbinsing.

Rating: 3.5/5 stars

2 comments:

  1. Teh Melai, pwedeng malaman kung saan ka nakabili ng DVD nyan? Matagal ko na hinahanap yan pero sa TV ko lang napanood nitong huli...I want a personal DVD copy! Thanks 'teh and more power to your blog.

    ReplyDelete
  2. Teh Beki Belo, sa Quiapo ko nabili. Sa stall ni aling Ligaya Master.

    ReplyDelete