Naglalaba ako kahapon nang 'di ko mapigilan ang sariling i-text si super friend
Tsari at inaya siyang manood ng
Bride For Rent. Unang kita ko pa lang kasi sa trailer ng second starrer nina
Kim Chiu at
Xian Lim eh alam ko nang 'di ko pwedeng palampasin. Buti na lang at sumegunda siya kaya iniwan ko muna ang labada at sumugod sa pinakamalapit na sinehan. Saan pa nga ba kundi sa
SM North.
Bride for Rent (2014)
Star Cinema
Directed by Mae Czarina Cruz
Starring Kim Chiu, Xian Lim, Martin Del Rosario, Empoy and Ms. Pilita Corales
Anim na buwang 'di nakapaylet ng renta sa balur ang pamilya ni
Raquelita Dela Cruz AKA Rocky (Chiu). Kahit sandamakmak ang shupatemba niya eh siya ang inaasahan. Panay ang audition niya kung saan saan magkaraket lang. Saktong nagpa-audition ng pekeng asawa ni
Roderico "Rocco" Espiritu Jr. (Lim) para magets ang kanyang milyon-milyung trust fund. Pagkaharap kay
Lala (Corales) eh pinakasal niya ito sa simbahan. 'Di naman shunga ang thunders at nalaman din ang pagpapanggap. Kinuha nito ang serbisyo ni Rocky para patinuin ang malokong apo. Kinasal, nagsama sa iisang bubong minus the chorvahan at nagka-inlove-an. Haaayyyy... todong nakakakilig ang mga sumunod na eksena. Wit ko na iku-kwento at major major spoiler na.
Mukhang magiging forte ni Kim ang rom-com movies dahil epektibo siya sa pagpapatawa. May pagka-aggressive ang karakter niya dito na malayo sa mga pa-sweet niyang ginampanan dati. Good job Ms. Chiu! At si Xian Lim... si Xian Lim...
JUICE KOH! He's the perfect tsinito. Sa lahat yata ng eksena niya eh pogi siya. Walang anggulong chaka lalo na kapag ngumingiti. Dumausdos ang panti ko sa kanya. May hangover pa nga ako.
Bukod sa dalawang bida, si
Empoy ang isa sa mga nagdala ng komedya sa pelikula. Matatawa ka na agad kahit 'di pa niya binibitiwan ang linya.
GALING! This movie is the perfect start of
Star Cinema for 2014. Parang hinango sa pocketbook ang istorya kasi may nabasa na akong ganito. Feel-good, nakangiti at kinikilig kang lalabas ng sinehan.
Rating: 5/5 stars