Friday, May 8, 2015

Chichirya

Can I Just Say:

Nakakasuka (hindi naman literal) ang mga taong panay ang banggit kay God kahit 'di kailangan. 'Yung tinatanong not related sa religion pero ipipilit ipasok si God.

Wit ko knows kung nagpapa-impress para masabing mabait, para sa mabangong image o sadyang relihiyoso lang. Panay post ng quote galing sa Bible pero 'di kayang isabuhay. Parang chichirya na puro hangin - pagbukas mo, iilan lang ang laman. I'm sure, may kakilala kayong ganito.

A perfect example is this sportsman turned politician. Tungkol sa ensayo at practice ang tanong, hindi pwedeng hindi niya banggitin ang isa dito - God is good, God is great, God will provide. Pati asawa niya na mahilig sa ‪#‎selfie‬, halata namang ‪#OOTD‬ ang post pero ginawang caption ang God is love dahil sa heart print ng damit niya. Eh 'di WOW!

Let me say my opinion. For me, its a form of abuse. Oo, dapat tayong magpasalamat sa lahat ng biyaya ng Maykapal. Pagdilat pa lang ng mata sa umaga, biyaya na eh. Lahat ng meron tayo, dahil sa Kanya. Kadalasan, itinuturo na ipamahagi ang salita ng Diyos. Pero sa tamang hulog at ilagay naman sa lugar. Please lang, spare Him to your personal intentions.

And I do believe that faith should be practiced spiritually. 'Wag dalhin sa harap ng camera o social media.

14 comments:

  1. He he may pinapatamaan ka ba Melanie parang kilala ko yan eh he he ? Sabagay may punto ka naman : )

    ReplyDelete
  2. hmmmm alam mo ateng yang si sportsman turned politician naging idolo ko talaga nung na-knockout sya ni marquez, alam mo kung bakit? dahil sa pagiging relihiyoso nya. alam ko totoo yung pagiging relihiyoso nya. i really dont care kung lagi nya sinasabi si God sa mga interview nya as long as pinangangatawanan naman nya at talagang relihiyoso sya, kesa naman yung feeling nagpapakareligious at humble pero hambog naman at famewhore (hello donaire!) basta for me, si sportsman turned politician ay isang humble at relihiyosong tao kaya madaming umiidolo sa kanya, well yung pagiging politician nya, ayoko. hehehe i will never vote him kung sakaling kumandidato sya sa pagiging senador o bise presidente.

    ReplyDelete
  3. I agree manay! Siguro naman matitigil na ang mga pinoy na dini-dyos ang pamilya nila. At para dun sa mga may pa God-God pa na #ootd: "damitan mo man ang basura, basura pa rin".

    ReplyDelete
  4. You are perfectly right Bb. Melanie. Masyado nang nakakauyam panoorin iyung sportsman turned politician na nabanggit mo na walang bukambibig ay tungkol kay God kahit wala na sa lugar. Especially duon sa kanyang muher na alam mong di sincere sa kanyang mga salita at tweets. Masyadong plastic. If I know .....

    ReplyDelete
  5. hay salamat. akala ko ako lang ang may ganitong opinyon. can i just say as well? :)

    ReplyDelete
  6. Agree ako sau Ms.Melanie...maka diyos sya tapos nanakit sya khit sabihin pang sports lang yun..Minsan din naiisip ko ayaw nya puruhan kalaban nya dahil Sa pagging religious.

    ReplyDelete
  7. Ayan tuloy natalo...

    ReplyDelete
  8. i like him bilang tao at boksingero. humble at makadiyos. at least kahit sinasabi nya lagi sa mga interviews nya si God, in a good way. hindi ko sya sinasamba o ano pa pero talagang bilib ako sa kanya. i agree with the 2nd commenter, pacman is a true religious person unlike yung copycat nyang nang away sa ama at pinangangalandakan na patay gutom daw sila noon pero ang totoo pala middle class, normal pa rin pla buhay nla.

    ReplyDelete
  9. Ang galing ni ate Melanie! At ang asawa ng pinatatamaan mo ha kala mo kung sino. ..

    ReplyDelete
  10. that doesnt cover the fact na madami syang inanakan na babae at mga starlet. Binayaran na para tumahimik. Remember the devil can cite scripture for his purpose.

    ReplyDelete
  11. Relate na relate ako sa mga ganyan. Yung tipong "#godisgreat" "#blessedday" tapos may quote tungkol sa optism tapos ootd or selfie lang naman. Kalurkey.

    ReplyDelete
  12. I'll just add na homophobe din si sportsman.

    ReplyDelete
  13. Pano kung totoo ang mga cnasabi nya dpat mahiya kaung mga nagiisip ng masama. Kung sobra ang pasalamat nya sa Diyos dhil sa tagumpay na tinatamasa nya dpat lng tlaga sya mag pa salamat ng lubos. Baka kau mga hampas lupa... dhil hindi kau marunong mag pa salamat sa itaas.

    ReplyDelete
  14. Kuhang kuha mo melanie hahaha!

    ReplyDelete