Saturday, May 16, 2015

Dantay

Mag-a-alas cuatro ng madaling araw kanina, sakay ako ng bus pa-Novaliches galing Ayala. Medyo punuan pero hindi naman siksikan. Walang nakatayo. Ambilis ng biyahe. Para akong kalapati na binabaybay ang EDSA.

Otoko ang katabi ko. B&W na checkered ang pants. Medyo chubby. Pwede na. Kaya lang nakatingin sa kanan eh nasa kaliwa ako. Walang pag-asa 'to. Oo nga. Hanggang sa bumaba siya.

Lipad, bus, lipad. May sumakay na cutie pie sa Shaw boulevard. Maputi. Naka-cap at sleeveless shirt. May dalang bag. 'Yung usong brand ngayon. Herschel ba 'yun? Anyways, may nakasunod sa kanya, lalaki din. Payat, mas maliit sa kanya at medyo kayumanggi ang kulay. Puting t-shirt ang suot. Sa likod ko umupo. Tuloy ang biyahe sa EDSA.

May sumakay. Napatingin ako hanggang sa maupo siya sa likuran. Wit ko type. Ganun lang talaga ako. Observant sa sumasakay lalo na kung dis oras ng gabi. 'Di sinasadyang masulyapan ko 'yung kanina. Naka-dantay si white t-shirt guy sa balikat ni cutie pie. Mahimbing na natutulog. Mag-jowa pala.

Madaming nagsibabaan pagdating sa Cubao. Lumipat sila ng upuan. Sa bandang harapan ko. Patuloy ang sweet moments nila. Tumingin ako sa bintana, sa kaliwa, sa kanan, pati na sa kamay ko. Buti pa sila.

Muñoz na. Bababa na si cutie pie. Bigla silang naghalikan. Goodbye kiss. Aray! with matching facial expression. Hinatid ng tanaw ni white t-shirt guy si cutie pie hanggang sa ito'y makababa. They didn't stop staring at each other habang pinupuno ng konduktor ang bus.

At ako, ayun, parang ganito...

3 comments:

  1. Ha ha kakainggit noh ... ako nga may kama pero wala namang katabing matulog at kadantay habang malamig ang gabing maalungkot hayzzzz

    ReplyDelete
  2. Same sentiments ate melanie huhu

    ReplyDelete
  3. Nakakarelate din ako dito hahaha!

    ReplyDelete