Sunday, February 14, 2016

Okupado

Happy Valentine's Day, mga ateng! I AM SO BACK! This is the longest time na hindi ako nakapag-blog. Wit ito dahil tinamad akez o ayoko na magsulat. Dumating kasi si La Pudra at ilang araw tumuloy sa balur. Sa kwarto ko siya natulog at nagkataon na andun din ang PC na ginagamit ko sa pagsusulat. Mga ilang araw ko siyang hindi magamit dahil okupado ang aking private sanctuary. Sa ngayon ay back to the province na siya.

Busy si La Pudra sa daan
Naging busy din akez sa trabaho bilang napromote ang byuti ko. From GRO ay Senior GRO na ako. CHAROT! Alam niyo naman, ang baklang gipit, sa promotion kumakapit. Need ko ng time to ready myself for this new experience. Minsan lang kumatok ang opportunity so grab lang, di ba?! Wala namang mawawala kung susubukan.

Mabalik tayo sa Valentine's. Balak ko sanang mag-SM kanina para mamasyal kaya lang baka ma-bitter lang ako sa mga mag-jowang HHWW. Kaya ayun, sa palengke na lang ako pumunta at kumain ng banana-q at isaw. Pagka-uwi, naglaba hanggang pumudpod ang mga kuko. Tinatanong sa sarili habang nagbabanlaw "Bakit wala pa si Mr. Right? Nasaan na ba siya?". Well, darating din siya sa tamang panahon. Si Yaya Dub nga, may Alden na eh.

Mar, PNoy and Leni
Nagsimula na rin pala ang campaign season noh?! Limang presidentiables, iisang pwesto. So far, kay Mar ang boto ko. Dumu-Duterte na sana akez kaya lang, parang nakakaramdam ako ng inconsistencies sa mga sinasabi niya. I wanted Miriam but she looks very weak. Magpagaling pa sana siya because we need someone like her in the government. Haaayyy... wala pa talagang certain. Baka bukas, iba na naman ang nasa puso't isip ko. I really have to research more para sa mga iboboto ko sa Mayo. Kinabukasan natin ang nakataya dito kaya let's be more responsible.

Umpisa pa lang 'yan ng ating kudaan. I'm so happy to be back at marami pa akong lulutuing putahe para sa inyo. Love love love!

16 comments:

  1. Ako rin teh ky mar ako for now ewan duterte sana ako dati nung hindi pa sya nag pa file ng candidacy kaya lang nayayabangan na ko sa knya lumaki ang ulo porke mdami nag pupush sa knya...

    ReplyDelete
  2. I agree Bb. Melanie. Thanks for this post!

    ReplyDelete
  3. gurl kinabahan tuloy ako akala ko nategi ka na or nagkasakit. hahaha glad youre back!

    ReplyDelete
  4. Hi Melanie. Ang tagal nga. Every day check ako ng blog mo pero wa-ay gid. Hehehe. Eto lang masabi ko: i like your blog kasi fair ka sa pagbigay ng commento sa mga subjects mo like mga presidentables. 3 lang rin ang nasa pusot isipan ko na may k tumakbo. Duterte, Mar, at Mirriam. Pero among the three kay Mar boto ko kasi wala masyadong issue. Kung meron mam d ganun klaki. I so love mirriam bec she is so intelligent. Kaso napakatapang nya masyado at bka d nya kakayanin ang tasks nya sa first few weeks nya in the office considering her health. Ganun din si duterte. Naniniwala ako na may gagawin sya to reduce crminality rate or whatever. Pero adamant ako sa kanyang pwede pang gawin. At sa vp nman kay Leni ako. Humble yet may nagawa na at napatunayan. Happy Valentine's day!!!

    ReplyDelete
  5. Welcome back Melanie ... Bongga si father ah may tsikot ... Ayoko rin Kay Duterte parang bakla parang bakla magsalita at mag isip biro mo pati pagpapatuli ni Mar ay pinapatulan so unmanly ha ha ha

    ReplyDelete
  6. ako sa ngayon duterte pero parang nawawalan na ako ng amor sa kanya, parang pulos salita at ere.

    ReplyDelete
  7. Don't get mad or awkward but in that pic of yours with your father, he seems hot, i mean gosh i hope so lol. anyway, im thorned between duterte and roxas like, well, duterte has that iron hand thing but he's like he's getting into my nerves with his rude comments and all that blab words, yeah i know it has to be all works not words but then again he's kinda annoying as hell my gosh! as for roxas, he seems okay but i can't help myself thinking that he had like issues being arrogant with others like whgen he visited a golf club, he's being rude with the staff, shouting and demanding like a boss like oh gosh what a douchebag! but then agqin, i'll pick a lesser evil candidate so i'm sooooo thorn between duterte and roxas. oh wait, i'll go for mirriam santiago too but obviously she got health issues. i'm never ever gonna choose nor vote poe and binay EVER!!! those too two faced thicked face plastics candidates like duh!

    ReplyDelete
  8. Welcome back bb melanie! Araw araw akes naghihintay ng post mo kaloka hahaha. Naku si duterte at marx ay ang bagomg claudia at amor powers. Naghahamunan pa ng sampalan parang mga ewan. Hahaha.

    ReplyDelete
  9. gusto ko face mo sa 1st pic. you look fresh, alagang belo. hindi halata na naglalagay ng kung anik anik sa face o nagpapaderma. maybe kya di u nagkakajowa kasi choosy ka. ano ba mga tipo mo? well given na yung matangkad kasi 5'11 ka diba?

    ReplyDelete
  10. Welcome back Madame! It has been more than three weeks nang pansamantalang namahinga ang iyong byuti! Na-miss ka namin at pati na din ang iyong mga putahe. Kungrachuleyshons sa'yo dahil na-promote ka na. Enjoy the fruits of your labor. lovelots

    Anyways, Biyernes ng gabi nang ako ay magawi sa mga malls. Ka-bitter ngang makakita ng sweet na magjojowa. Meron pa namang places (decorated with hearts, stuff toys, lights) sa mga malls wherein lovers can take a selfie dahil romantic ang ambiance. Ang sarap lang bombahin ng place. charoz!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. i know the place dear, SM supermall. the mall of jejemons, oh my gosh

      Delete
  11. Teh welcome back! Ako din mar leni ako. Sobranh clownish na so duterte!

    ReplyDelete
  12. Sick or not, Vote for Miriam. We need her. As for VP, Leni ako.

    ReplyDelete
    Replies
    1. are you out of your mind?!?!? are you that stupis?!? paano pag biglang nategi?!? anong alam ni leni?!? gagawing puppet lang sya ate! choose ka na lang ng lesser evil --- duterte o roxas. leni or marcos

      Delete
  13. Grabe ang dami pa ring naloloko ni meriam! I lied!

    ReplyDelete
  14. I wish I could vote and if I can eh Roxas ako. Ang problema kay Roxas eh wala syang karisma sa masa, unlike Duterte. Pero bilang presidente mas qualified si Roxas with his experience, personality and knowledge. Isipin na lang natin na ang presidente eh kailangan makipag-negotiate and makipag-meeting di lang sa mga officials sa Pilipinas kundi pati na rin sa mga dignitaries from other countries. Iron fist type of governance will scare investor and blatant disregard to human rights will earn the condemnation of United Nation. Filipinos should elect a president that can represent the Filipino people as a Filipino to the world at hindi yung taong feeling nila puede nilang maging kainuman sa kanto.

    ReplyDelete