Sunday, February 21, 2016

Hamak

Medyo umay na ako sa Pacman vs. LGBT issue na hanggang ngayon ay trending pa rin. Maiba tayez. Sad news para sa mga Pinoy CD at DVD collectors, 'yung original huh! Wala na pala ang Odyssey sa 1st floor, building A ng SM Megamall. Happy news - lumipat lang sa 4th level, building B pero 'di hamak na mas maliit ang pwesto. Wala pa sa kalahati nung dati. 'Wag naman sanang sumunod ang Astroplus na nasa 3rd level.

Image from Universal Records Blog
I-deny ko man o hindi, patuloy na kumokonti ang tumatangkilik ng physical copies. Ang dali na lang kasing i-download sa Torrent ang mga pelikula at unli-streaming naman ang offer ng Spotify at Spinnr. Libre na, easy access pa kumpara sa 199-600 pesos na halaga ng orig.

Bet ko sanang bumayla ng Nine Track Mind ni Charlie Puth bilang pagbibigay-pugay sa bonggang rampa ni Pia sa Miss U pero waley. Kung online ko bibilhin, papatong ang shipping fee at tax sa presyo. Talo sa budget. Insert umiiyak na smiley here. CHOS!

Kaya bago mahuli ang lahat, nag-hoarding na akez ng mga DVD ng paborito nating gay indie. From 350 ay naging 150-199 na lang. Infairness dito sa Ben & Sam, maganda pala. Malinaw na malinaw ang frontal sa Ang Laro ng Buhay ni Juan. At sa wakas, kumpleto na ang DVD series ko ng mga pelikula ni Marco Morales. Patay na patay ako sa kanya dati.

Masakit man pero kailangan tanggapin. Eto ang downside ng pagbabago ng panahon, nawawala ang mga bagay na kinasanayan na. Wala ibang dapat gawin kundi yakapin at tanggapin.

4 comments:

  1. Teh melanie naalala ko tuloy yung pinagmamalaki ni marco morales..hihi walang kiyeme mgpakita ng junjun nya

    ReplyDelete
  2. nakakalungkot nga kasi yung mga odyssey sa sm waley na sa province namin. napalitan na ng coffee shop or clothing store. ang kauna unahang orig cd/dvd na binili ko sa music store ay yung dvd/cd ng album ni britney na "britney" that was like P450 pa at when i was in my 2nd year highschool pinagipunan ko talaga yun. binibigyan ako ni lola ko na pensyonado ng P500 per month then allowance ng parents ko so yun. hanggang ngayon nasa akin pa rin yun at hindi mukhang luma o sira. more than 10 years na rin yun my gosh. limited edition yun so papaabutin kompa ng 50 years yun para pag ibebenta ko maging 6 diguts na.. chos

    ReplyDelete
  3. Binibining Melanie same sentiment here. I miss the video rental shops naman. I also worked before sa Tower Records sa Glorietta na tuluyan na nawala sa bansa dahil wala na nga bumibili ng physical copies. I so miss the days pero ganun talaga. Easy access na talaga ang lahat which i dont mind naman. I just miss it. Hehe. Ang gulo ko.

    ReplyDelete
  4. Hindi pa po kumpleto ang collection niyo ng Marco Moralea movies. Wala pa kayong Halik sa Tubig, uncut version. Indian kasi yung producer kaya walang complete copy, puro censored version ang nagkalat, putol ang mga nude at sex scenes.

    ReplyDelete